Vin Abrenica, Sophie Albert Hiwalay Na!

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Viral at pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pag-repost ni Sophie Albert sa sang blind item patungkol sa isang  celebrity na magpa-file na ng annulment laban sa kanyang asawa.


Mababasa rin sa nasabing blind item na ang totoong dahilan kung bakit nasira ang pagsasama ng nasabing celebrity couple ay dahil sa pangangaliwa ng isa.


Marami naman ang nagtataka sa pagre-repost ni Sophie Albert sa nasabing blind item patungkol sa hiwalayan.


Kaagad naming naghinala ang maraming mga netizens kung may kinalaman ba ang pagrerepot ni Sophie Albert sa estado ng relasyon nila ng kanyang asawang si Vin Abrenica.


Marami ang naghinalang on the rocks ang relasyon nina Vin Abrenica at Sophie Albert.


May mga kaagad na nambatikos kay Vin Abrenica, dahil katulad rin pala umano ito sa kanyang kapatid na si Aljur Abrenica na hindi nakukuntento sa iisang babae sa buhay at talagang naghahanap ng ibang babae.


Ipinagtataka naman ito ng maraming mga netizens dahil kung titingnan sa Instagram account ni Sopie Albert ay makikitang maayos naman ang pagsasama nila.


Sa katunayan ay nagbahagi pa si Vin Abrenica ng mensahe para kay Sophie nitong nagdaang Mother's Day Celebration.


Bukod pa rito, kaagad ding napansin ng maraming mga netizens na agaran ring binura ni Sophie Albert ang kanyang inirepost sa TikTok.


Ayon naman sa paniniwala ng ilang mga netizens na nagkamali lamang ng pindot si Sophie kaya na-share ng kanyang account ang post.


Matatandaan na dalawang beses na ikinasal ang celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica noong 2023 matapos ang pagsasama nila ng mahigit isang dekada.


Mayroon na rin silang anak na babae na isinilang ni Sophie noong 2021.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo