Queenie Padilla Nagsalita Na Kung Bakit Nakipaghiwalay Na Siya Sa Asawa Matapos Ang 11 Years!

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Ibinunyag ni Queenie Padilla, anak ni Robin Padilla, na nagdesisyon siyang makipaghiwalay sa kanyang asawang Pakistani na si Usama Mir, pagkatapos ng 12 taong pagsasama.


Sa kanyang Instagram post, isiniwalat ni Queenie, na kilala rin sa kanyang Muslim na pangalan na Mashel Khadija Mir, na nagpasya siyang wakasan ang kanyang kasal sa asawang Pakistani na si Usama Mir dahil sa 'irreconcilable incompatibility, "na hindi na niya idinetalye pa.


“Assalamualaikum, after much thought and consideration, my husband and I have decided to separate due to irreconcilable incompatibility,” pahayag nito. 


Iginiit naman niya na ang kanyang desisyon na ito ay hindi minadali dahil ilang buwan rin niya itong pinag-iisipan ng mabuti.


“This decision wasn’t taken overnight. It has been years and months of trying to work things out,” dagdag pa niya.


Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nilinaw ni Queenie na ang kanyang asawa ay isang responsableng ama sa kanilang anak at iginagalang pa rin ito.


“I will always have love, honour and respect for the father of my child. He’s a great father and responsible human being. Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we’ve had together.” 


Naiulat ang pagpapakasal noon nina Queenie at Usama noong 2012, at mula noon, ay naging pribado na ang maraming bagay patungkol sa pagsasama nilang dalawa bilang mag-asawa.


Si Queenie Padilla ay isa sa mga anak ni Sen. Robin Padilla, na isa ring Muslim.


Sa ngayon ay wala pang pahayag si Sen. Robin Padilla kasunod ng desisyon ng kanyang anak na makipag-divorce sa asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo