Paulo Avelino Busog Na Busog Sa Mukbang Scene Nila Ni Kim Chiu

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Marami pa rin sa mga fans ng tamabalang Paulo Avelino at Kim Chiu ang hindi maka-get over sa nangyaring intense kissing scene ng dalawa sa episode 28 ng What's Wrong With Secretary Kim na naganap sa loob ng closet.


Ayon sa ilang mga komento ng mga netizens na talagang enjoy na enjoy ang dalawa sa kanilang eksena na tila kinalimutan na umano ng mga ito na kinukunan sila.


Samantala, lalo pang pinakilig ni Paulo Avelino ang kanilang mga tagahanga ni Kim Chiu nang magbahagi siya ng isang Facebook post at tinanong kung sino ang busog na may kasama pang laughing emoji.


Hinala ng maraming mga netizens na sinabayan ni Paulo Avelino ang usap-usapan ng mga netizens na talagang busog na busog siya dahil minukbang lang naman niya ang labi ng nag-iisang Chinita Princess.


Kaagad namang nagkomento ang maraming mga fans ni tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu at ipinahayag na talagang busog na busog sila sa mukbangan scene ng dalawa sa loob ng cabinet.


May mga netizens pang nagsasabing talagang busog na busog si Paulo Avelino at may ngiting tagumpay matapos ma-mukbang si Kim Chiu.


Sa kabilang banda, marami sa mga fans nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang lalong na-excite sa mga susunod pang episodes ng What Wrng With Secretary Kim? the Philippines adaptation dahil sa mga tumitinding nakakakilig na eksena sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo