Alden Richards Todo Effort Sa Panliligaw Kay Kathryn Bernardo

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Labis na kinilig ang mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards matapos makita ang viral video ngayon ng dalawa na nakunan sa naganap na Box Office Entertainment Awards Night.


Muling naging lamang ng mga usap-usapan sa social media sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, matapos maitanghal bilang Box Office King And Queen 2024.


Labis na kinilig ang mga fans ng dalawa ng kumalat ang video kung saan makikita ang pag-alalay ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Indibidwal na tinanggap nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang kani-kanilang mga parangal, subalit ng tawagin si Kathryn Bernardo at habang pababa na ito sa entablado ay bigla na lamang na pumasok muli si Alden Richards para alalayan ang aktres.


Nahagip rin sa video ang tila paghalik ni Alden Richards sa kamay ni Kathryn Bernardo habang pababa ang aktres. Makikita rin naman ang ngiti sa labi ni Kathryn Bernardo habang papalapit sa kanya si Alden Richards.


Ayon sa ilang mga netizens, pinatunayan lamang umano ni Alden Richards ang pagiging gentleman sa kanyang ginawa sa dalaga.


Naunang tinawag si Alden Richards para tanggapin ang kanyang Box Office King Awards subalit, sadyang hinintay nito si Kathryn Bernardo na tawagin para aalalayan ito sa pagbaba ng stage.


Nagpapakita lamang umano ito na talagan nag-eeffort si Alden Richards sa panliligaw ngayon sa aktres.


Bukod sa video sa stage kumakalat din ngayon sa social media ang isa pang video kung saan makikitang magkatabi talaga ang mga designated seats nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, Sa isang punto ng video makikita pang si Alden Richards ang nakaupo sa seat ni Kathryn Bernardo na labis na kinakikiligan ng kanilang mga fans.


@celebrity_clips8 Box Office Entertainment Award #KathDen BOQandBOK #KathDenAtBOEAwards2024 #fyp #fypシ゚viral #foryou #viral #trending #foryoupageofficiall #viralvideo #cttototherightfulownerofthisvideo ♬ 8 letters - Ajat

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo