Priscilla Meirelles Nagsalita Na! Isinapubliko Ang Nangyari Sa Kanila Ni Janice De Belen

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Ibinunyag ni Priscilla Meirelles na bagama't hindi siya malapit kay Janice De Belen, ang dating asawa ng kanyang mister na si John Estrada, hinahangaan at pinahahalagahan niya ang aktres sa pag reach out sa kanya sa panahong mayroon  siyang matinding pinagdadaanan noong 2023.


Nagsalita si Priscilla Meirelles tungkol sa relasyon nila ni Janice de Belen, sa isang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, May 13.


“When it comes Ms. Janice, never kami naging close pero na-appreciate ko siya nang sobra kasi last year, actually, nag-reach out siya sa akin—and I hope it’s okay to share. Woman-to-woman, she was very kind and I appreciate that.” pahayag ni Priscilla Meirelles.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na dumaan sa matinding marital problems sina Priscilla Meirelles at John Estrada noong nakaraang taon 


Gayunpaman, pinili ni Priscilla Meirelles na huwag magbahagi ng higit pang mga detalye tungkol sa pakikipag-ugnayan niya kay Janice de Belen sa panahong iyon.


“We’re never close; we did work before together but of course, I’m married to her ex. Although I’m not the reason why they separated—let’s make this clear,” pagsisiwalat ni Priscilla.


Muli din niyang iginiit na matagal nang hiwalay sina Janice De Belen at John Estrada nang maging sila ng aktor.


Sa nasabing panayam ay inilahad rin ni Priscilla Meirelles ang mga natutunan niya noon dumaan sila ni John Estrada sa matinding pagsubok.


Ayon kay Priscilla, napaka-easy going umano niyang babae subalit lahat naman umano ay mayroong limitasyon at umabot na siya sa puntong iyon.


Gayunpaman ay sinabi rin ni Priscilla na Kahit ano man ang nangyari ay pipiliin pa rin niyang ipaglaban ang kanyang marriage hanggang nakikita niyang worth it ito.


Nangako na rin naman umano si John Estrada sa kanya na gagawin na nito ang kanyang matapos ng nangyaring misunderstanding sa pagitan nila noon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo