Kim Chiu, Paulo Avelino May Chance Nang Lumalim Ang Kanilang Relasyon

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Hindi na basta-basta na mabubuwag ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil patuloy pa rin silang nagkakasama sa mga susunod niyang project, endorsements at mga shows.


Hindi lamang sa Pilipinas mamamayagpag ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa mga susunod na buwan ay magsasama rin ang dalawa sa ibang bansa para sa special event ng The Filipino Channel.


Una ay sa Dubai, para sa Kapamilya Kalayaan Karavan na magaganap sa darating na June 9, 2024. Susundan naman ito sa Bermingham na magaganap naman sa darating na June 30, 2024.


Talagang namamayagpag ngayon ang tamabalang Kim Chiu at Paulo Avelino dahil maging ang mga TFC subscribers ay hinihiling ang appearance ng dalawa dahil sa labis na kilig na pinapadama ng mga ito sa kanilang mga tagahanga.


Labis na excitement ang nararamdaman ngayon ng mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil excited silang makita ang mga sweet moments ng dalawa sa personal.


Naniniwala naman ang ilang mga tagahanga ng dalawa na ito na umano ang tamang pagkakataon para lalong lumalim pa ang kanilang ugnayan dahil sa kanilang pagsasama at pagkakaroon ng oras para makilala ng lubos ang isa't-isa.


Positibo rin ang mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu na mauuwi rin sa totohanan ang relasyon ng dalawa dahil ngayon pa lamang umano ay mahahalata nang hindi hindi na lamang basta trabaho ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kanilang pagtrato sa isa't-isa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo