Kathryn Bernardo at Alden Richards Hinirang Bilang Box Office King and Queen

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Muling pinatunayan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang pagiging magaling na artista matapos nilang manalo ng prestihiyosong Box Office Queen and King awards sa 2024 Box Office Entertainment Awards.


Ang parangal ay iginawad sa kanila ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF), Inc. 


Nanalo si Kathryn Bernardo bilang Box Office Queen para sa pelikulang "A Very Good Girl," na pinagbidahan niya kasama si Dolly De Leon. Samantalang, napanalunan naman ni Alden Richards ang award para sa "Five Breakups and a Romance," na pinagbidahan niya kasama ang Kapamilya actress na si Julia Montes.


Matatandaang nagkasama sa iisang pelikula sina Kathryn at Alden Richards sa isa may pinakamataas na kita na pelikulang Pilipino, ang "Hello Love Goodbye." 


Naging sentro naman ng atensyon ng publiko sina Kathryn Bernardo at Alden  Richards matapos makipaghiwalay ang una sa kanyang nobyo, ang aktor na si Daniel Padilla, na naging kasintahan niya ng mahigit isang dekada.


Marami kasi ang mga nakapansin na napapadalas ang pagsasama ng dalawa sa mga events. Bukod pa rito palagi na ring present si Alden Richards sa mahahalagang okasyon sa pamilya Bernardo.



Sa pagkakapanalo nilang pareho ng award bilang Box Office King And Queen marami sa mga netizens ang nagsasabing talagang nababagay ang dalawa.


Ayon pa sa kanilang mga fans na pahiwatig na ito para magkaroon na ng part 2 ang kanilang pelikung Hello, Love, Goodbye na naging Highest Grossing Film of All time sa loob ng maraming taon bago naungusan ng comeback movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.


Sa kabilang banda, mayroon naman naniniwalang lalong magngingitngit umano ang kalooban ni Daniel Padilla dahil tila pinatunayan na umano ngayon ni Alden Richards na siya na ang bagong Box Office King na dating ipinagmamayabang ni Daniel Padilla.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo