Bahay Na Iniregalo ni Rosmar kay Diwata Viral

Martes, Mayo 14, 2024

/ by Lovely


 Nag-viral ang entrepreneur na si Rosmar Tan matapos niyang ipakita ang kanyang kabutihang-loob sa internet celebrity na si Deo Balbuena, na kilala rin bilang Diwata sa pamamagitan ng pagbibigay ni Rosmar ng panibagong bahay.


Matatandaang bukod sa bagong bahay, nagbigay din ng pera si Rosmar Tan para kay Diwata, sa kadahilanang gusto raw nitong tulungan ang internet celebrity na baguhin ang buhay nito.


Inaasahan ng maraming mga netizens na ang iniregalong ni Rosmar para kay Diwata ay isang tradisyunal na bahay. Naniniwala pa ang ilan na house and lot ang matatanggap ni Diwata dahil sa malaking susi na ibinigay ni Rosmar rito.


Gayunpaman, nakumpirma na ang natanggap ni Diwata mula kay Rosmar Tan ay isang prefabricated house, na inihatid mismo sa Paresan ng internet sensation noong May 6, 2024.


Samantala, viral ngayon ang isang video na ibinahagi ng isang vlogger na nagpapakita sa bahay na pinagtitipunan ng ilang mga kalalakihan para maassemble ng maayos.


Kasama rin sa bahay ang airconditioning para maging komportable ang pananatili ni Diwata sa loob nito.


Kaagad naming umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinigay na Bahay ni Rosmar Tan para kay Diwata.


May ilan sa mga netizens ang medyo nadismaya umano dahil inakala nilang house and lot ang matatanggap ni Diwata.


May mga naghahanap pa kung nasaan na ang sinasabing lot dahil bahay lang naman ang idineliver.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na malaking tulong na rin para kay Diwata ang ibinigay na Bahay ni Rosmar na maaring magsilbing opisina nito malapit sa kanyang paresan business.


Samantala, malaki pa rin naman ang pasasalamat ni Diwata kay Rosmar dahil hindi na umano siya mangungupahan pa ng Bahay. Maganda rin umano ito dahil movable at Kahit saan ay maari niya mailipat ang Bahay.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo