Paolo Contis Nagreact Na Sa Pagbura at Pag-Unfollow Sa Kanya Ni Yen Santos Sa Social Media!

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Tumanggi ang aktor na si Paolo Contis na magbigay ng pahayag patungkol sa mga naglalabasang mga espekulasyon tungkol sa relasyon nila ni Yen Santos.


Ginawa niya ang pahayag sa premiere ng pelikula ng kanyang bagong pelikula na "Fuschia Libre."


Sa isang panayam, nagpahiwatig si Paolo Contis na hindi siya nasisiyahan sa mga espekulasyon tungkol sa status ng kanyang karelasyon, at sinabing gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang personal na buhay.


“No comment. As I always say, masyado na kayong may alam sa buhay ko so I’d like to keep my personal life personal,” mariing pahayag ni Paolo Contis sa press.


Nagsimula ang mga haka-haka tungkol sa kanilang breakup nang burahin ni Yen Santos ang kanyang birthday message para kay Paolo Contis.


Bukod pa rito, inunfollow na rin niya ang aktor sa kanyang social media accounts na isa sa mga karaniwang indicator kung may kinakaharap na problema ang isang celebrity couple o nagdesisyon nang maghiwalay.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz na hindi pa tuluyang tinatapos ng dalawa ang kanilang relasyon.


“Ako—feeling ko lang—siguro kaya nawala ‘yong birthday post ni Yen kay Paolo dahil baka nagkaroon sila ng misunderstanding,” pahayag ni Ogie Diaz.


Dagdag pa niya, “‘Di ba may mga ganyan? Kapag nabubuwisit ka, pak alis! Delete. Tapos ‘pag okay na ulit, naka-archive lang pala. Balik.”


Samantala, maging si Yen Santos at nanahimik pa rin naman sa isyu at hindi pa nililinaw ang balitang naghiwalay na sila ni Paolo Contis.


Matatandaan na naging kontrobersyal ang pagsisimula ng relasyon nina Yen Santos at Paolo Contis dahil si Yen Santos ang itinuturong dahilan ng pagkakahiwalay nina Paolo Contis sa dati nitong kinakasama na si LJ Reyes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo