Vice Ganda Tinawag Na Mangkukulam Si Cristy Fermin

Huwebes, Abril 4, 2024

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na punahin si Vice Ganda at kamakailan lamang ay muli niynag kinoll-out ang ugali ng It’s Showtime host.


Noong April 2, 2024 episode ng ‘Showbiz Now Na,’ muling binanatan ni Cristy Fermin si Vice Ganda dahil sa pagiging ‘hambog’ at sinabi pa nitong pinipersonal umano ng komedyante ang mga pambabatikos na natanggap niya.


“Mali ‘yung umaariba nanaman ang kahambugan ni Vice Ganda, iko-correct ko lang ‘yon, hindi naman po talaga nawala ‘yon, ‘yun naman talaga imahe niya, kabangan, mapagpatutsada,” pahayag ni Cristy Fermin.


Isang araw matapos ipalabas ni Cristy ang nasabing episode, nagbiro si Vice tungkol sa isang ‘witch’ na palaging nagseselos sa kanyang tagumpay.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, tinanong ni Vice Ganda ang kanilang magandang contestant at sinabing ganoon din siya noon kaya naman marami ang naiinggit sa kanya.


“Ganyang ganyan ako nung bata, kinaiinggitan lang ako ng mangkukulam. Binarang ako ng mga reyna ng bwak bwak bwak bwak, pero hindi sila nagtagumpay. Nai-flush ko sila,” pagbibiro ni Vice Ganda.


Hindi pinangalanan ni Vice Ganda ang indibidwal na tinutukoy niya, pero maraming netizens ang naniniwala na halatang si Cristy Fermin ang kanyang tinutukoy.


Itinampok na ni Cristy si Vice sa mahigit 40 episodes ng “Showbiz Now Na”.


Ang kanyang pangunahing palabas, si Cristy Ferminute ay hindi man lang kasama sa bilang.


Samantala, naghihintay pa rin ang netizens kung sasagutin muli ni Cristy Fermin si Vice Ganda.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo