Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu Kinanta at Sinayaw Ang Theme Song Ng Eat Bulaga Sa It's Showtime

Miyerkules, Abril 24, 2024

/ by Lovely

Laman ng mga usap-usapan ngayon ng mga netizens ang pagkanta ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa theme song ng kanilang katapat na noontime show na Eat Bulaga.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Tawag Ng Tanghalan ay kinanta ni Vice Ganda ang prayer song ng mga nurse at doctor dahil isang nurse ang kanilang contestant.


Inulit-ulit ni Vice Ganda ang pag-awit ng nasabing prayer song hanggang sa naisip na ni Vice Ganda na idugtong ang themesong ng Eat Bulaga.


Pakanta ni Vice Ganda, 'Sina Tito, Vic at Joey sina Vhong, Jhong at Anne Curtis lahat sila ay nagbibigay ng ligaya sa mga madlang pipol'.


Naging positibo naman ang komento ng ilang mga netizens sa ginawang parody ni Vice Ganda sa theme song ng Eat Bulaga. Ibig sabihin lamang umano nito na may parehong goal ang Eat Bulaga at It's Showtime na magbigay ng saya sa mga tao.


Matatandaan na noong nagdaang taon ay pinersonate ni Joey De Leon si Vice Ganda. Suot ang blonde wig na kadalasan ay kulay na ginagamit ni Vice Ganda, nagpakilala ito bilang si Presidente Ganda.


Binati pa ni Joey De Leon ang kanyang Vice na si Vice Ganda.


Samantala, tila pinatunayan naman umano nito na talagang hindi na magkakumpetensya ang tingin nina Vice Ganda at Joey De Leon sa isa't-isa, kundi kapitbahay na may kaparehong goal ang magbigay ng saya at tuwa sa mga manonood.


Nauna na rito, ang pagbibigay ng paglilinaw ni Joey De Leon na hindi ang show nina Vice Ganda na It's Showtime ang tinutukoy niya sa sinasabing naiingit sa kanilang show kaya iniisyu silang malapit nang magtapos.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo