Mukha Ni Paulo Avelino Ng Makita Si Kim Chiu Sa Premier Night, Kim Chiu from Showtime to BMC

Miyerkules, Abril 24, 2024

/ by Lovely


 Dumiretso na kaagad si Kim Chiu sa SM North EDSA mula sa It's Showtime upang daluhan ang premiere night ng pelikulang pinagbibidahan ni Paulo Avelino at Kylie Verzosa na pinamagatang Elevator.


Mula sa It's Showtime ay hindi na nagpalit ng damit si Kim Chiu dahil tila nagmadali na itong magpunta sa premiere night ng pelikulang Elevator ng kanyang leading man sa Linlang at What's Wrong With Secretary Kim?!


Makikita naman sa ibinahaging social media post ni Kim Chiu na kasama niya sa pagpunta roon ang iba pang mga kasamahan nila ni Paulo Avelino sa What's Wrong With Secretary Kim?! upang ipakita ang kanilang pagsuporta kay Paulo Avelino.


Samantala, ang pagpunta ni Kim Chiu sa red carpet ng nasabing pelikula ni Paulo Avelino ay nakadagdag ng attraction.


Marami sa mga fans ng tambalang KimPau ang kinilig sa effort ni Kim Chiu sa pagsipot sa premiere night ng Elevator. Hindi na nga ito nakapagbihis pa ng damit upang hindi ito malate sa nasabing event.


Sa ipinakitang pagsuporta ni Kim Chiu kay Paulo Avelino, lalo pang lumakas ang mga hinala ng mga netizens na totoong nagkakamabutihan na sila sa totoong buhay, hindi lamang para sa publicity ng kanilang teleseryeng Linlang at What's Wrong With Kim Secretary Kim?!


Samantala, lalo pang kinilig ang kanilang mga tagahanga nang batiin at i-beso ni Paulo Avelino si Kim Chiu nang makita niya ito sa loob ng sinehan.


Matatandaan, noong  ginanap ang media conference ng Elevator noong April 5, 2024 ay nabanggit ng ilang mga press ang pangalan ng actress-TV host na si Kim Chiu dahil sa mga balitang nagkakamabutihan na silang dalawa.


Naitanong din kay Paulo Avelino kung sino ang gusto niyang makasama kung makulong siya sa loob ng isang elevator.


Dito, sinabi ni Paulo Avelino na gusto niyang makasama si 'Kimmy' dahil masaya namang kasama ang aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo