Tv Host-Aktres Makakabalik Sa Abs Cbn Dahil Sa Sanib Pwersa

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang balitang magbabalik na sa dating channel ang ABS-CBN matapos ang contract signing ng partnership nila sa AMBS ALLTV na pagmamay-ari ni Former Senator Manny Villar.


Marami naman sa mga fans ng ABS-CBN ang hindi na nagulat sa nangyaring collaboration sa pagitan ng dalawang network na ito dahil nauna na nang nakipag-collaborate ang ABS-CBN sa TV5, GMA7 at iba pang mag networks para ipalabas ang kanilang mga teleserye's at show.


Nauna na ring sinabi ng ABS-CBN head for TV production na si Mr. Laurenti Dyogi na isa na ring content creator ang ABS-CBN at bukas silang makipag-collaborate sa mga platforms na nangangailangan sa kanilang content.



Dahil sa nangyaring contract signing, tiyak na iere na rin sa ALLTV ang ilang mga sikat na Kapamilya shows at teleseryes. Nauna nang lumabas sa ALLTV ang flagship news cast na TV Patrol at TV Patrol weekend.


Ikinatuwa naman ito ng maraming mga fans ng ABS-CBN dahil mas rarami ang makakapanood ng mga programa ng ABS-CBN kahit pa nawalan na sila ng prangkisa.


Sa kabilang banda, marami naman ang hindi pumabor sa pakikipag-collab ng ABS-CBN sa ALLTV dahil tila mas lugi umano ang ABS-CBN dahil wala naman umanong reach at kunti lamang ang mga advertisers ng ALLTV.


Bukod pa rito ay hindi rin nagustuhan ng maraming mga netizens ang posibilidad na magkakabalik sa ABS-CBN ang actress host vlogger na si Toni Gonzaga na itinuturing na nagtraydor sa ABS-CBN.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo