Kim Chiu May Patama Kay Xian Lim, Paulo Avelino

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ang namangya sa ibinahaging bagong hairstyle ng aktres na si Kim Chiu sa kanyang social media account kung saan makikita ang napakaikling buhok ni Kim Chiu.


Kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ni Kim Chiu ang kanyang ika-34 na kaarawan noong April 19, 2024.


Makikita sa ibinahaging video ni Kim Chiu ang kanyang transformation mula sa isang sweet at mahinhing babae sa isang matapang at fierce looking woman suot ang kanyang short hair.


Kalakip ng kanyang post ay isang makahulugang mensahe para sa kanyang sarili sa pagsalubong niya sa kanyang kaarawan.


Sa caption inilahad ni Kim Chiu ang kanyang paniniwala na lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan. Nagbabago ang mga tao para matutong bumitaw, nagkakamali para ma-appreciate kapag tama, naniniwala sa kasinungalingan kaya sa huli natutonh huwag magtiwala sa iba kundi sa sarili, at minsan ang mga magagandang bagay ay nawawala para mas mabigyan ng puwang ang mas maganda pang bagay na makakamtan sa hinaharap.


Sa naunang caption ni Kim Chiu inilahad niyang sa pagtanda niya ng isang taon ay nagiging braver, stronger, smarter, wiser. 


Marami naman sa mga netizens ang naghinala na patama ito  ni Kim Chiu sa kanyang dating boyfriend na si Xian Lim na bigla na lamang siyang hiniwalayan matapos ang mahigit dekada nilang relasyon.


Hiling naman ngayon ng mga tagahanga ni Kim Chiu na tuluyan na itong makapag-move on at makahanap ng lalaking karapat-dapat nitong ibigin na handa siyang iharap sa altar.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo