Supportive Girlfriend‼️Kim Chiu, Very Supportive Kay Paulo Avelino

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Kinikilig ngayon ang mga KimPau fans dahil tila tinutulungan umano ngayon ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa pagpopromote ng pelikulang pinagbibidahan nito na pinamagatang Elevator.


Kinikilig ngayon ang mga KimPau fans matapos ang all out na pagpopromote ni Kim Chiu sa ipapalabas na movie ni Paulo Avelino na pinamagatang Elevator kahit hindi naman siya ang leading lady nito.


Sa isang Instagram story, ipinakita ni Kim Chiu ang kanyang pagsuporta sa kanyang ka-loveteam na si Paulo Avelino sa pelikula nitong Elevator kung saan ang leading lady nito ay si  Miss International 2016 na si Kylie Verzosa.


Ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang Instagram stories ang trailer ng pelikula nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa pinaanyayahan rin niya ang kanyang mga fans na suportahan ang pelikula ng mga ito na ipapalabas sa mga sinehan nationwide sa darating na April 24, 2024.


Binati rin ni Kim Chiu ang dalawang bida sa pelikula na sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa.


Kaagad namang nagpapasalamat si Paulo Avelino sa ginawang ito ni Kim Chiu at ini-repost nito ang stories ng aktres.


Ayon naman sa ilang mga fans ng dalawa na ang mga galawan ng mga ito ay hindi ordinaryong gawin ng mga artistang magkatambal lang.


Gagawin mo lamang umano ito kapag ang tao ay special na para sayo. Kaya naman hinala ng mga fans na may magandang namamagitan na sa dalawa at pansamantala lamang nilang sinisekreto ito.


Matatandaan na bago magpunta sa Siargao si Kim Chiu ay nagkaroon muna sila ng advance birthday dinner ni Paulo Avelino at iba pang mga kaibigan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo