Kris Aquino Ibinunyag Ang Pag-Uwi Ni Bimby Sa Pinas Dahil May Importanteng Aayusin

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


Tila hindi na muna matutuloy ang napipintong pagsabak ni Bimby Aquino sa showbiz sa bansa dahil inaasikaso nito ngayon ang kanyang student VISA para sa Amerika ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral habang patuloy na nagpapagaling ang kanyang ina roon mula sa samu't-saring autoimmune diseases nito.


Sa kabila ng pahayag ni Kris Aquino sa mensahe nito para sa kanyang anak sa mismong ika-17 na kaarawan nito noong April 19, 2024 patungkol sa kanyang takot na baka ay hindi na niya maabutan ang 18th birthday ni Bimby Aquino sa susunod na taon, ay naging positibo naman ang kanyang mga tagahanga dahil tila maaliwalas umano ang pagmumukha ngayon ni Kris Aquino.


Samantala, tila hindi na muna matutuloy ang pagpasok sana ni Bimby Aquino sa showbiz dahil hindi nito maiwan ang kanyang ina ng matagal sa Amerika. Kailangan umano ngayon ni Kris Aquino ang kanyang dalawang anak mayroon siyang mapanghuhugutan ng lakas sa kabila ng panghihina dahil sa kanyang mga pinagdadaanan.


Isiniwalat naman ni Kris Aquino sa comment section ng kanyang post na nakatakdang umuwi sa Pilipinas ni Bimby para ayusin nito ang kanyang US student VISA.


Hiling naman ng maraming mga nagmamahal kay Kris Aquino na maging mabisa ang gamot na itinuturok ngayon kay Kris Aquino upang tuluyan na itong gumaling at makasama pa ng mas matagal ang kanyang mga mahal sa buhay. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo