Michelle Dee Pinaringgan Si Atty. Oliver Moeller Dahil Sa Issue Ng Panliligaw Nito Kay Kim Chiu!

Miyerkules, Abril 24, 2024

/ by Lovely


 Laman ngayon ng talakayan sa ilang mga social media platforms at ilang mga mga entertainment news sites ang balitang tila pinaringgan ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee si Oliver Moeller nang maging guest host ito sa It's Showtime.


Hinala ng maraming mga netizens na may kaugnayan ang naging pahayag ni Michelle Dee sa naging sagot ni Oliver Moeller sa isang panayam patungkol sa panliligaw nito kay It's Showtime host, actress na si Kim Chiu.


Matatandaan na marami sa mga netizens ang iniuugnay sina Oliver Moeller sa isa't-isa kahit si Michelle Dee naman ang sumalang bilang 'searcher' sa segment na Expecially For You noong April 6, 2024.


Tila hindi naman nagustuhan ni Michelle Dee ang paraan ng pagsagot ni Oliver Moeller na may pahiwatig na may balak nga siyang ligawan si Kim Chiu.


Dahil dito, hinala ng maraming mga netizens na talagang sinadya ni Michelle Dee na magparinig kay Oliver Moeller noong maging guest host siya sa It's Showtime dahil absent noon si Anne Curtis.


Sa segment na Expecially For You, napunta ang kanilang usapan sa pakikipag-flirt sa kabila ng pagkakaroon ng current relationship o kung may nililigawan na.


Ayon kay Michelle Dee kapag nakita niyang may nilalanding iba ang nanliligaw sa kanya ay kaagad niya itong babastedin, dahil hindi siya isang option.


“Sasabihin ko, ‘Ay pag nakita kong may fini-flirt ka, thank you, next… hindi dapat ako option. I'm not an option,” pahayag ni Michelle Dee.


Bagama't hindi naman direktang sinabi ni Michelle Dee na mayroon siyang pahiwatig sa kanyang mga naging pahayag naniniwala ang mga netizens na may kaugnayan pa rin ito kay Oliver Moeller, na matapos siyang makadate ay hayagang nagpapakita ng interes kay Kim Chiu.


Hindi rin nakalagpas sa mga mata ng ilang mga netizens ang pag-unfollow ni Michelle Dee kay Oliver Moeller matapos ang naging pahayag nito patungkol sa panliligaw kay Kim Chiu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo