Kris Aquino May Touching Na Birthday Message Para Sa Kanyang Little Sister Na Si Kim Chiu!

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay ipinagdiriwang ng Kapamilya actress, TV-host na si Kim Chiu ang kanyang kaarawan. Marami sa mga kaibigan ng nasabing actress ang  bumati sa kanya, via social media at personal.


Sa Isla ng Siargao nagdaos ng karaawan si Kim Chiu dahil dumalo  siya sa second wedding ng kanyang matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming tagahanga ni Kim Chiu na pareho ng kaarawan ang aktres at bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby Aquino.


Kaya naman hindi rin kinalimutan ng Queen of All Media na batiin si Kim Chiu sa kaarawan nito.


Sa isang open letter ni Kris Aquino para sa kaarawan ng kanyang anak na si Bimby Aquino ay naisingit niya ang pagbati para sa kanyang minahal na kaibigan na si Kim Chiu na may kaparehas ng petsa ng kapanganakan kay Bimby Aquino.


Talagang malapit sa isa't-isa sina Kim Chiu at Kris Aquino dahil talagang dinalaw pa ni Kim Chiu ang Queen of All Media na kasalukuyang nagpapagamot sa Amerika sa iba't-ibang mga karamdaman.


Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman at patuloy na nanghihingi ng panalangin mula sa mga taong nagmamahal sa kanya dahil alam umano nito pakikinggan ng Diyos ang mga kahilingan ng maraming tao.


Sa kabilang banda, marami naman ang naawa kay Kris Aquino dahil mababasa sa liham nito para kay Bimby na nangangamba na ito na baka ay hindi na niya maabutan ang 18th birthday ng anak sa susunod na taon dala ng kanyang mga kondisyon na nagpapahirap na sa kanya.


Nagpahiwatig pa si Kris Aquino kay Bimby na ang kanyang pagmamahal ay kailanman ay hindi mamatay dahil ito ay for eternity.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo