Kilalang Programa Magpapaalam Na Sa Ere

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Ikinalungkot na maraming mga tagasubaybay ng sitcom nina Michael V aka Bitoy at Manilyn Reynes na Pepito Manaloto.


Nag-ugat ang mga usaping ito nang magbahagi ng isang group hug photo si Bitoy sa kanyang Instagram account na kuha mula sa set ng kanilang sitcom.


Makikita rin na kumpleto ang mga cast nito at tila malungkot umano ang mga mukha nito.


Subalit, kaagad na naglabas ng pahayag si Bitoy patungkol sa mga kumakalat na balitang malapit nang tsugiin ang kanilang show na Pepito Manaloto.


Ayon kay Michael V., walang dapat na ipag-alala ang kanilang mga solid supporters dahil hindi pa magwawakas ang kanilang sitcom.


Ipinaliwanag din ni Michael V ang kahulugan ng ibinahagi niyang group hug photo. Ayon kay Michael V ang inirerepresent ng kanilang group hug na iyon ay ang pagkakaisa nila bilang isang grupo.


Iginiit pa ni Michael V na patuloy pa ring magpapasaya sa ere ang Pepito Manaloto na patuloy na nagbibigay ng saya sa loob ng mahigit 14 years.


Ipinahayag pa ni Michael V ang kanyang kasiyahan na naroon pa rin sila at buo pa rin ang Pepito Manaloto sa kabila ng mga pinagdaanan nilang mga pagsubok, kagaya na lamang noong lumaganap ang pandemya sa bansa.


Para naman kay Manilyn Reynes ay hindi na biro an 14 years na pamamayagpag nila sa GMA7.


Si Manilyn Reynes ang gumaganap sa papel ni Elsa sa Pepito Manaloto ang butihing asawa ni Pepito.


Ayon kay Manilyn na naging emosyunal sila dahil hindi nila inakalang makalipas ang 14 years ay patuloy pa rin silang namamayagpag sa GMA7. Masaya rin siya dahil matapos ang ilang mga taon ay naroon pa rin ang kanilang mga kasamahan lalong lalo na ang kanilang mga tagahanga na patuloy parin silang sinusuportahan.


Sa kabilang banda, inilahad ni Michael V, na hindi na lamang isa fictional family para sa kanila ang kanilang sit-com dahil isinasapuso na nila ang kanilang pagmamahal bilang isang pamilya sa bawat, cast, writers, staff, crew, ang network, at higit sa lahat ang mga taong patuloy pa rin silang sinusubaybayan.


Sa ngayon ay pinaghahandaan na umano nila ang kanilang summer special na kukunan pa sa Nueva Ecija.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo