Kristine Hermosa May Condition Para Magkabalikan Sila Ni Jericho Rosales Sa Comeback Movie Nila!

Lunes, Abril 22, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang aktres na si Kristine Hermosa sa naging panawagan noon ni Jericho Rosales na magkaroon sila ng comeback movie kung saan ipagpapatuloy nila ang kwento ng dati nilang ginawang projects noon.


Inilahad ni Kristine Hermosa ang kanyang mga kondisyon bago pumayag na magkabalikan sila ni Jericho Rosales at muling gumawa ng proyekto na magkasama.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang posibilidad na magkasamang muli sa iisang proyekto ang dating magkasintahan at pinag-uusapang loveteam sa kanilang henerasyon na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.


Subalit, may mga kondisyon si Kristine Hermosa bago ang kanyang pagpayag na magkasama muli sila ni Jericho Rosales sa iisang pelikula o sa teleserye.


Sa kamakailang panayam kay Kristine Hermosa, inilahad niya ang mga requirements niya bago siya makipag-collaborate kay Jericho Rosales.


Ayon kay Kristine Hermosa, bukas naman siyang magkaroon sila ng comeback project kasama si Jericho Rosaless subalit mayroon siyang mga kondisyon. Depende umano ito sa uri ng project, sa mga eksena.


Dapat ay makita umano muna niya ang lahat at i-filter ang mga ito. Kung makikita niyang worth it naman na gawin ang project ay gagawin niya ito. Hindi yung may masasabi lang na mayroon silang comeback movie.


Subalit, marami ang napapatanong kung sakaling papayag din ba ang asawa ni Kristine Hermosa na gumawa ito ng comeback project kasama ang ex na si Jericho Rosales.


Nilinaw naman ni Kristine Hermosa na wala namang magiging problema sa kanyang asawa kung sakaling muli silang magkasama sa iisang proyekto ng kanyang ex na si Jericho Rosales dahil pareho naman umano silang professional.


Kung gustuhin umano niya ay susuportahan naman siya ng kanyang mister. Talagang choice umano niya ang paggawa ng project. Ayaw naman umano niya na gumawa mnng project na pucho-pucho lang, nais niya na worth naman ng kanyang oras at effort, iyong maroong katuturan.


Maging si Oyo Boy Sotto ay nagbigay rin ng saloobin sa posibilidad na magbabalik sa pagiging aktres ang kanyang asawa na si Kristine Hermosa.


Nilinaw ni Oyo Boy Sotto na hindi naman niya pinagbabawalan si Kristine Hermosa na mag-artista sa katunayan si Kristine na mismo ang may ayaw. Ayaw umano ng kanyang misis ng drama dahil nakakapagod daw.


Kung nanaisin naman ni Kristine na muling bumalik sa pagiging artista ay maari umano itong mangyari matapos ang panganganak nito.


Sa ngayon ay apat na buwan nang buntis si Kristene Hermosa sa panglimang anak nila ni Oyo Boy Sotto.


@showbiz.philippines

Kristine Hermosa May CONDITION Para MAGKABALIKAN Sila Ni Jericho Rosales Sa Comeback Movie Nila!

♬ original sound - Showbiz Philippines

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo