Abs-Cbn May Pahayag Sa Sanib Pwersa Sa ALLTv

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Nitong mga nagdaang araw, naging laman sa mga usap-usapan sa social media na magbabalik na ang ABS-CBN sa dat nitong channel na pagmamay-ari ngayon ng AllTV network ng AMBS na pagmamay-ari ni Manny Villar.


Tinuldukan na ng ABS-CBN ang mga haka-hakang nakikipagnegotiate sila sa AllTV para maipalabas rin sa kanilang networks ang ilang mga Kapamilya shows.


Tuluyan naman itong naging malinaw ng kumalat ang balitang magkakaroon na ng contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at AllTV.


Ayon naman sa aming nakalap na mga impormasyon ay masaya naman umano ang ALLTv sa partnership nila sa ABS-CBN kung saan 50-50 ang kanilang magiging hatian sa kita ng ipapalabas nilang show.


Matatandaan na noon pa mang December, sa Christmas party ng ABS-CBN ay nagbigay na ng clue ang mga big bosses ng network na sina Cory Vidanes at Carlo Katigbak kung saan sinabi nilang magiging best year para sa ABS-CBN ang taong 2024, matapos ang hindi pagkakarenew ng kanilang prangkisa noong 2020.


Samantala, kasalukuyang nagaganap ngayon ang contract signing ng ABS-CBN at ng ALLTV.


Marami naman sa mga tagahanga ng ABS-CBN ang labis na nasisiyahan sa pakikipag-collaborate ng network sa ibang mga channels upang mapanood ng mas nakakarami ang mga quality na palabas at teleserye mula sa magagaling na mga artista ng network.


May mga nagsasabi pa na tila hindi na apektado ngayon ang ABS-CBN sa pagkawala ng kanilang prangkisa dahil ngayon ay mapapanood na ang mga palabas ng network sa iba't-ibang mga channels.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo