Birthday Surpresa Kay Kim Chiu Sa Last Taping Day Ng What's Wrong With Secretary Kim

Lunes, Abril 8, 2024

/ by Lovely


 Nagkaroon ng surprise birthday greeting para sa actress-host na si Kim Chiu ang mga staffs at co-stars niya sa Philippine adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim? sa huling taping day ng nasabing serye.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na April ang birth month ng minamahal na aktres kaya naman inaasahan na ng lahat ang magaganap na birthday surprise para rito.


Nagulat naman si Kim Chiu dahil hindi niya inakalang pag-aabalahan siya ng kanyang mga kasamahan sa set gayung malayo pa ang petsa ng kanyang birthday.


Subalit, aminado naman siyang nasiyahan siya sa nangyari at nagpapasalamat sa lahat ng mga ito.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ang nagtatanong kung bakit hindi nakita si Paulo Avelino sa ginawang pa-birthday surprise para kay Kim Chiu.


Marami rin ang nakapansin na panay ang lingon ni Kim Chiu at tingin sa likuran na tila ba may hinihintay itong lumabas.


Sa ngayon ay marami pa rin ang naniniwala ay umaasa na talagang nagkakamabutihan na sina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil sa makikitang closeness nila. May mga nagsasabing tila kinikilala na umano ng dalawa ang isa't-isa, bago aminin sa publiko ang totoong estado ng kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo