Janella Salvador Matapang Na Reaksyon Sa Mga Bashers Dahil Sa Pagtanggi Niya Kay Kim Chiu

Lunes, Abril 8, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang actress-singer na si Janella Salvador laban sa mga bumabatikos sa kanya matapos tanggihan ang pagpapa-sampol ni Kim Chiu.


Hindi na nakapagtimpi si Janella Salvador sa kanyang mga basher nang maging ang kanyang anak ay dinadamay na sa pambabatikos matapos ang pagtanggi niya kay Kim Chiu sa kamakailang guesting niya sa noontime show na It's Showtime.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Janella Salvador patungkol sa kanyang kinasasangkutang isyu na nangyari nitong linggo kung saan tinanggihan niya ang request ni Kim Chiu noong naging guest siya kasama ang isang Thai-actor sa It's Showtime para i-promote ang kanilang pelikula.


Hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ang naging pagtanggi ni Janella Salvador lalo na ang kanyang pagkakasalita kay Kim Chiu, dahil dito marami ang bumabatikos kay Janella dahil sa pagiging attitude nito at maarte.


Inilabas ni Janella Salvador ang kanyang reaksyon patungkol sa isyung ito sa pamamagitan ng kanyang Twitter account kung saan iginiit niya na hindi naman niya intensyon na maging rude at disrespectful, subalit nagpapasalamat pa rin siya sa mga taong nagpapakita ng pagsuporta sa kanya.


"Oh wow. I’ve been meaning to explain myself because the last thing i would ever want is to appear rude or disrespectful… and here i am being met with so much love and comfort upon opening this app. Thank you. It makes me happy to know that there are many people out there who know my heart and what i stand for."


Binalaan din ni Janella ang mga taong dinadamay na ang kanyang anak sa pambabatikos sa kanya. Iginiit din niya na humingi na siya ng tawad kay Kim Chiu personally kung sakaling na offend man niya ito sa kanyang pagtanggi.


"and just to be clear, I have personally apologized for unintentionally offending someone but not for setting a valid boundary. If you twist my words that’s on you. I will always be assertive but never disrespectful. If you can’t tell the difference and find something wrong with that, then you’re a people pleaser and again… 

that’s on you.


"Don’t you dare try and involve my son. 

The way most of y’all are boomers too.

Embarrassing."


Naiintindihan naman ng maraming mga netizens kung bakit sensitibo ngayon si Janella Salvador patungkol sa usapin ng kanyang anak dahil sa kinakaharap niyang pagsubok. Kanselado rin ngayon ang mga naka-schedule na mall tours para sa pelikula nilang Under Parallel Skies dahil nagkakaroon ng asthma attacks ang kanyang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo