Reaksyon Ni Boy Abunda Sa Patutsada Nina Bea Alonzo at Dominic Roque Sa Kanilang Joint Statement

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 Naging makahulugan ang naging sagot ng King of Talk na si Boy Abunda nang mausisa siya patungkol sa mga naging pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa kanilang hiwalayan.


Makahulugang pahayag ni Tito Boy Abunda na may mga oras na kailangang magbigay ng pahayag subalit mayroon ding oras para manahimik na lang. Kaya naman sa pagkakataon umanong ito ay mas pinili ni Boy Abunda na manahimik na lamang subalit hindi umano ito magtatagal.


Ito ang naging pahayag ni Boy Abunda nang matanong siya patungkol rito sa naganap na contract signing niya sa GMA Network nitong February 12, 2024. 


Matatandaan na nitong February 11, 2024, naglabas ng joint statement sina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa kanilang desisyon na magkanya-kanya na sa kani-kanilang mga buhay at huwag nang ituloy ang kanilang pagpapakasal.


Sa kanilang joint statement, pinatutsadahan nila ang ilang mga hindi nila pinangalanang personalidad na nagkumpirma sa kanilang hiwalayan nang wala umanong pahintulot mula sa kanilang dalawa.


May ilan pa umanong gumagawa ng mga bali-balita na pawang mga walang basehan at walang katotohanan kaya naman para sa ikakatahimik ng kanilang pamilya at ng lahat naglabas na sila ng pahayag patungkol sa nangyari.


Ayon pa sa ibinahaging joint statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque, gusto pa sana nilang magkaroon ng mahaba-habang oras para magdeliberate at ipanalangin ang nangyari.


Subalit, kumakalat na umano ang mga maling speculations, questions at mga insults laban sa kanilang dalawa.


Hiniling din ni Bea Alonzo na ang pang-intindi mula sa lahat ng kanilang mga tagahanga na kahit masakit ang balitang ito, pareho nila itong ginusto.


Hiling din nina Bea Alonzo at Dominic Roque na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa kanila na naging dahil kung bakit sila binabatikos ngayon sa social media.


Hangad rin nila na sana ay bigyan na sila pareho ng privacy dahil kailangan pa nilang ipagpatuloy ang kanilang buhay nanag may respeto, kindness, compassion at dignidad.


Matatandaan na noong February 6, 2024 kinumpirma ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque na malapit na sanang magpakasal.


Samantala, hindi naman idinitalye nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang rason kung bakit pinili nilang tapusin ang kanilang relasyon. Mas pinili nilang itago na lamang ang lahat at hinihiling na sana ay bigyan sila ng hinahangad na privacy.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo