Aktor Pumalit Kay Daniel Padilla Sa Isang Endorsement

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang panibagong endorsement ni Michael V mas kilala bilang si Bitoy dahil siya umano ang ipinalit rito kay Daniel Padilla.


Makikita ngayon sa Instagram account ni Bitoy ang kanyang panibagong endorsement ng BPI. Masaya si Bitoy dahil sa pagkakaroon niya ng panibagong endorsement.


Aliw na aliw din ang TBC dahil ipinakikita siya sa different characters na labis na kilala siya. Siya rin ang kumanta sa jinggle na madaling kabisadohin at maarin i-sing along.


Gayunpaman, tila nababalot naman ng isyu ang panibagong endorsement ni Bitoy dahil sa mga lumalabas na haka-haka na pinalitan lamang niya rito ang aktor na si Daniel Padilla na naunang ambassador ng BPI para sa mga OFW at mga pamilya ng mga ito na nasa bansa.


Kaagad naman dumipensa ang mga fans ni Bitoy laban sa mga fans ni Daniel Padilla na nagsasabing sinulot nito ang endorsement ng aktor. Ayon sa mga fans ni Bitoy, hindi naman maaring sisihin ng mga fans ni Daniel si Bitoy dahil kinuha lamang umano bilang endoser.


Tiyak naman umano na nagkaroon ng negosasyon sa pagitan ng dalawang kampo, sa pagiging ambassador ni Bitoy ng BPI para sa mga OFW at ng mga pamilya ng mga ito.


Samantala, kung sakaling totoo ang isyung pinalitan ni Bitoy si Daniel Padilla bilang ambassador ng BPI maari ngang masasabi na isa na ito sa naunang isyu na may tatlong major endorsement si Daniel Padilla na nagback-out matapos ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo.


Ayon pa sa mga naunang isyu, nababawasan na umano ang mga endorsement ni Daniel Padilla dahil sa pagkasira ng good boy reputation nito nang lumabas ang mga haka-haka laban sa kay Daniel Padilla sa dahilan ng hiwalayn nila ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Samantala, kabaliktaran naman ang nangyayari ngayon sa aktres dahil patuloy na nadadagdagan ang mga endorsements nito magmula ng makisimpatya sa kanya ang mga netizens sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang may-ari ng Shawarma kung saan parehong brand ambassador sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ayon sa kanila, hindi umano nila papalitan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo bilang mga brand ambassadors ng kanilang brand.


Hiniling pa umano nito na sana ay magkabalikan na lamang umano ang dalawa dahil sayang naman ang kanilang mga pinagdaanan.


Samantala, patuloy pa ring nagbabahagi ng mga larawan si Daniel Padilla habang iniindorso niya ang Pepsi Cola na patuloy pa ring iniindorso ni Kathryn Bernardo, dahil dito masasabing pareho pa rin silang pinagkakatiwalaan ng kanilang mga pinag-iindorsong brand sa kabila ng kanilang paghihiwalay.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo