Bagay! Abs Cbn Nakahanap Ng Bagong Love Team!

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 May panibagong pinupusuan ang ilang mga netizens na maging panibagong loveteam sa ABS-CBN na makakapagbigay ng panibagong kilig sa mga manonood.


Naging pasabog ang comeback ng Kapamilya heartthrob actor na si Enrique Gil sa pagiging guest niya sa ASAP Natin 'To kahapon February 11, 2024. Sa kanyang pagbabalik sa ASAP, kaagad na nagkaroon ng pag-asa ang ilang mga manonood sa pagkakaroon ng panibagong loveteam na kakakiligan nila.


Ilang taon na rin namang wala sa ABS-CBN si Liza Soberano kaya naman hiling ng ilang mga fans na ngayong nagbabalik showbiz na ang aktor sana naman ay magkaroon ito na panibagong kalove-team sa katauhan ng Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.


Ayon sa ilang mga netizens, pareho naman umano ang mga ito ng status sa kanilang buhay. Pareho rin umano silang mga conyo at complimentary pa ang kanilang mga heights.


Mas kinilig pa ang mga manonood ng binati ni Enrique Gil si Janine Gutierrez at pinuri sa angking ganda nito. Ayon pa sa ilang mga netizens na tila kinilig naman umano si Janine Gutierrez nang ipakilala na niya si Enrique Gil sa publiko.


Kapansin-pansin din umano ang umaapaw na chemistry ng dalawa nang magkausap na ang mga ito. Marami naman sa mga solid LizQuen fans ang nagsasabi na panahon na siguro upang magkaroon na ng panibagong leading lady si Enrique Gil dahil establish naman na ang career ng kanyang nobya at dating ka-loveteam na si Liza Soberano sa US.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang humihiling na sana ay bigyan kaagad ng project sina Janine Gutierrez at Enrique Gil kahit isa lamang munang pelikula upang malaman kung talagang papatok ba sa mga manonood ang kanilang tambalan.


Matatandaan na ilang taon ring natigil sa showbiz si Enroique Gil mula noong hindi na makakuha ng prangkisa ang ABS-CBN at nang matigil ang kanilang taping dahil sa pandemic.


Kaya naman, inaabangan na ngayon ng mga fans ng aktor ang kanyang comeback movie na pinamagatang I Am Not Big Bird na nalalapit nang ipalabas sa mga sinehan sa buong bansa.


Dahil wala na siyang ka-loveteam ngayon, inihayag ni Enrique Gil na open siyang makipag-collab sa ilang mga artist sa larangan ng pag-arte.



@kpmlyfanatic Parang may chemistry noh? #enriquegil #janinegutierrez #abscbn #asapnatinto #fyp #foryoupage #kapamilya #asap29 ♬ original sound - Lyrics zone

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo