Kathryn Bernardo May Ma Damdaming Mensahe Sa Kanyang Fans

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Inilahad ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na naiintindihan niya kung may mga fans na nagtatampo sa kanya dahil sa pakikipaghiwalay at pag-unfollow niya kay Daniel Padilla.


Tanggap umano ng aktrs na si Kathryn Bernardo na may ilang fans na tumalikod sa kanya dahil sa nangyaring paghihiwalay nila ni Daniel Padilla dahil hindi naman umano niya hawak ang isip ng mga ito.


Samantala, labis naman ang pasasalamat niya sa kanyang mga fans na nanatiling nakasuporta sa kanya sa kabila ng kanyang desisyon na makipaghiwalay na sa aktor.


Malaki ang pasasalamat ni Kathryn Bernardo sa mga fans nila ni Daniel Padilla na patuloy pa rin silang sinusuportahan kahit naghiwalay na sila ng landas at piniling magsolo sa career at sa totoong buhay.


Inamin rin ng aktres na hindi naging madali para sa kanya ang kanyang naging desisyon nitong nagdaang taon, naging mahirap rin sa kanya ang mga nangyayari subalit hindi umano siya nagpatalo rito at muling bumangon.


Aminado naman si Kathryn Bernardo na bilang mga artista, may malaking parte ang mga fans sa kanyang buhay at sa nakaraan nila ni Daniel Padilla. Mula noon ay nakasama na umano niya ang mga fans mula ng mag-umpisa pa lamang sila ni Daniel Padilla kaya naman naiintindihan niya ang nararamdamang lungkot ng mga ito.


Labis rin umanong naa-appreciate ni Kathryn Bernardo ang mga fans na nanatiling nakasuporta sa kanya.


Inilahad rin ni Kathryn Bernardo na pinakaayaw niya sa buhay ay iyong may nagdidikta sa kanya kung saan mararamdaman niyang hindi niya hawak ang sariling buhay.


Dagdag pa ni Kathryn Bernardo na kung siya man ang nasa katayuan ng mga fan ay masasaktan rin umano siya nangyari kisa kanyang mga idolo subalit sa huli ay tatanggapin pa rin niya ang lahat at iintindihan ang nararamdaman ng kanyang idolo.


May mga fan naman umano siya na ganito kaya naman labis ang kanyang tuwa at pagpapasalamat. Nagpapasalamat rin siya sa mga taong patuloy na siyang sinusuportahan at hindi na nagtatanong kung ano ang nangyari at hindi na siya pinagpaliwanag sa dahilan ng break up nila ni Daniel.


Sa ngayon ay maayos na umano ang buhay ni Kathryn Bernardo at hindi na rin umano siya namimilit ng mga fans sa kung ano ang nais ng mga ito. Kung patuloy siyang suportahan bilang solo artist o hindi.



@absstarcinema "We want to make you proud" 🥹💙 #KathrynBernardo #KathNiel ♬ original sound - ABSstarcinema

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo