KathNiel Muling Nagkita Sa Ceremony Mass Ni Sir Deo Daniel Padilla Lumalapit Pa Rin!

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Muling nagkasama ang ex celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa naganap na ceremony mass ni Sir Deo. Narooon rin ang iba pang mga artista sa Kapamilya network.


Marami ang nagluluksa ngayon sa pagpanaw ni Sir Deo, maging ang ABS-CBN bosses ay dumalo rin sa naganap na ceremony para rito.


Sa kabila ng pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang paghihiwalay, marami pa rin sa mga netizens ang hindi pa nasasanay na hindi na sila palaging magkadikit.


Matatandaan na noong magkarelasyon pa ang mga ito ay palagi silang magkasama sa mga gatherings at events kaya naman hindi pa nasasanay ang ilan sa kanilang mga tagahanga na may kanya-kanya nang buhay ang mga ito ngayon. 


Naninibago rin umano ang ilang mga netizens sa coldness na ipinapakita ni Kathryn Bernardo ngayon kay Daniel Padilla dahil dati ay makikita talagang masaya ito sa tuwing kasama ang aktor.


Sa ngayon ay mahahalata na umanong may kaibahan sa pagtrato ni Kathryn Bernardo kay Daniel kahit nakangiti pa sa kamera ang aktres. Kitang-kita na umano na hindi na ito komportable sa tabi ng aktor at iba na rin ang kislap ng mga mata nito.


May ilang mga fans naman ang nakakaintindi kay Kathryun Bernardo dahil hindi naman madali ang mga pinagdaanan nito. Hindi rin naman kapani-paniwalang kaagad nalimutan ni Kathryn ang mga nakaraan nila ni Daniel Padilla dahil matagal rin silang naging magkasintahan.


Bukod pa rito, ka-loveteam din sila kaya naman sa loob ng 12 years ay palagi silang nagkakasama. Ito rin umano ang dahilan kung bakit labis na nasasaktan si Kathryn Bernardo dahil nagawa pa rin siyang lokohin ni Daniel Padilla sa kabila ng mga pinagdaanan nila.


Gayunpaman, wala na umanong saysay kung isusumbat pa ito ni Kathryn lahat kay Daniel Padilla kaya naman mas minabuti na lamang ng aktres na ipagpatuloy ang kanyang buhay at maging masaya na lamang.


May mga magaganda rin naman umanong nangyari sa paghihiwalay nila ni Daniel Padilla dahil nakilala niya kung sino-sino ang mga totoong kaibigan niya at kung sino ang mga traydor sa kanya.


Bukod pa rito, hindi naman naapektuhan ang kanyang showbiz career sa pagkabuwag ng kanilang loveteam.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo