Road Manager Ni Bea Alonzo Muling Nagpatama Kay Dominic Roque at Tinawag Niya Itong "Hustler!"

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Hindi pa tapos ang road manager ni Bea Alonzo na si Nina Ferrer sa pagpaparinig sa dating fiancee ng actress na si Dominic Roque.


Muli na namang naglabas ng cryptic post ang road manager ni Bea Alonzo, kung saan may pinaparinggan siyang hustler.


Bagama't wala naman siyang pinangalanan sa kanyang post marami parin ang naghihinala na may kaugnayan ito kay Dominic Roque.


Nagiging controversial ngayon ang hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil patuloy pa ring naglalabasan ngayon ang samu't-saring isyu patungkol sa dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Mula nang maghiwalay ang dalawa, naglabasan na ang isyung pera ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa at dahil sa hindi pagpirma ni Dominic Roque sa prenuptial agreement na hinanda ng mga magulang ng aktres.


Hindi rin nakatulong kay Dominic Roque ang mga ibinabahaging post ng kampo ni Bea Alonzo lalo na ng road manager nito na palaging nakakasama ni Bea Alonzo.


Sa ganda ng itinakbo ng relasyon nila noon, hindi akalain ng maraming mga netizens na mauuwi sa masalimoot ang paghihiwalay nilang dalawa at maari pang masira ang magandang reputasyon ni Dominic Roque.


Mula nang maghiwalay sina Dominic Roque at Bea Alonzo, marami na ang umuungkat sa mga nakaraan ng aktor at mga naging pagkakamali nito noon.


Kaya naman, marami ang nagsasabing talagang nagkamali si Dominic Roque sa pakikipagrelasyon kay Bea Alonzo dahil nasira ng aktres ang kanyang pangalan na matagal rin niyang pinangalagaan noon.


Sa kabilang banda, parami na rin ng parami ang mga taong nakikisawsaw ngayon sa isyu ng dalawa dahil may mga lumalabas na haka-haka na maging ang mga senador ay pinapaimbistigahan na rin kung ano ang totoong negosyo nito at kung sinong pulitiko ang nagpapatira rito sa isang mamahaling condo.


Samantala, tila patuloy namang dinidiin ng malalapoit kay Bea Alonzo si Dominic Roque para ito ang sisihin sa nangyaring paghihiwalay nila. Kung pagbabasehan ang mga ibinabahagi nitong mga social media post. mahihinuhang may alam ito sa totoong nangyari sa relasyon ng dalawa.


Nauna nang ibinahagi ng road manager ni Dominic Roque ang isang cryptic post patungkol sa isang manipulative sad boi. Hinala ng marami na si Dominic ang tinutukoy nito bilang isang manipulative sad boi dahil nauna na ring naglabas ng larawan si Dpminic kung saan malungkot niyang tinatanaw ang karagatan.


Hindi pa rito nagtatapos ang mga patutsada ng road manager ni Bea Alonzo dahil kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng isang cryptic post patungkol na naman sa mga taong hustler, ang ibig sabihin ay mangagamit.


Muli itong iniuugnay kay Dominic Roque dahil nagsilabasan na rin ang balitang sa tuwing nagdidate o nagtatravel abroad ang dalawa ay palaging si Bea Alonzo ang gumagastos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo