Kathryn Bernardo, Masama Ang Loob Kina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo at Ria Atayde

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang pagpirma muli ni Kathryn Bernardo ng kontrata sa Star Magic nitong nakaraang byernes February 2, 2024, lumabas ang mga usap-usapang nagtatampo umano si Kathryn Bernardo sa kanyang mga kaibigan na sina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo at Ria Atayde dahil sa pagtattaydor nito sa kanya.


Nabigyan ng pagkakataon ang certified Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na ibunyag sa lahat ang kanyang pinagdadaanan noong nagdaang taon lalo na ang pinagdaanan niya ng maghiwalay sila ng kanyang longtime boyfriend at ka-loveteam na si Daniel Padilla.


Ipinahayag ni Kathryn Bernardo na sa buhay showbiz, talagang mahirap makahanap ng mga totoong kaibigan na magiging tapat sa kanya sa harap at likod ng kamera.


Marami ang naghinala na ang pinapatungkulan ni Kathryn Bernardo na hindi totoong kaibigan ay ang mga nakakasama nilang kaibigan noon na sina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo at Ria Atayde.


Hindi naman lingid sa kaalaman na labis ang closeness nila noong hindi pa sila naghihiwalay ni Daniel Padilla. Palagi silang magkakasama noon sa mga pagbabakasyon sa iba't-ibang bansa.


Bukod sa makahulugang pahayag ni Kathryn Bernardo sa kanyang contract signing, napansin rin ng mga netizens na hindi man lamang binati nina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo at Ria Atayde si Kathryn Bernardo sa pagnanatili nito sa ABS-CBN.


Bukod pa rito marami rin ang nakapansin na mula nang maghiwalay sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay hindi na sila namamataan na magkasama, ang tanging nakakasama lamang ni Kathryn Bernardo ay sina Sofia Andres at Alora Sasam.


Marami sa mga netizens ang naghinala na may mabigat na rason si Kathryn Bernardo kung bakit sumama ang kanyang loob sa mga kaibigan, isa sa pinaghihinalaan ng mga netizens ay ang pangungunsinti ng mga ito sa mga kalokohan ni Daniel Padilla.


Ayon sa ilang mga ulat, matagal na umanong alam ng mga ito ang mga ginagawang pambababae ni Daniel Padilla at pinagtatakpan pa ng mga ito.


Pakiramdam ni Kathryn Bernardo, na tinatraydor siya ng mga ito dahil inakala niyang totoo niya itong mga kaibigan subalit mas pumapanig pala ang mga ito kay Daniel Padilla gayung ito naman ang nagloko sa kanilang relasyon.


@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo