Zeinab Harake, Pasok Sa Top 3 Youtubers Ng 2022!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Malaki ang pasasalamat ng vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang mga tagasuporta matapos niyang mapabilang sa Top 3 Youtuber sa taong 2022.

Si Zeinab Harake ang nasa ikatlong pwesto na sinundan ng kanyang kaibigan na si Ivanna Alawi bilang pang-apat sa listahan.

"Favorite vlog this 2022... 'Oy top 3 tayo ha. Two years akong nag-top 2 tapos nag-top 3 ngayon, Okay lang at least nandodoon pa rin tayo sa tatlo na 'yun, So thank you Zebbies," pahayag ni Zeinab.

Pasok ang vlog ng first birthday ng anak niyang si Baby Bia sa top trending videos from the Philippines. Marami ang nanood ng vlog na ito dahil kakakumpirma pa lamang noon ng hiwalayan nila ni Skusta Clee.

Aminado din si Zeinab na hindi niya alam kung paano nairaos ang napakagandang party ni Bia gayung katatapos lamang ng isang malaking dagok sa kanyang buhay. Matatandaang nalaglag ang ikalawang anak sana nila ni Skusta Clee at matapos ang ilang araw ay kinumpirma nila ang kanilang paghihiwalay.

"Sobrang laki 'nung event na 'yun, sobrang laki nung vlog nun pero kinaya ko. May mga breakdown moments ako 'dun ah. As in hindi na lang pinakita sa vlog pero talagang 'pag may magme-message sa anak ko, nagbe-breakdown talaga ako so buti na-cut lahat 'yun," pag-amin ni Zeinab.

"'Yun talaga 'yung favorite ko kasi 'dun ko nasabi na strong ako this 2022 kasi nagawa ko 'yung first birthday ng anak ko kahit na may mga hindi magandang nangyari sa'min before that," dagdag pa ni Zeinab.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo