Angeli Khang Nagsalita Na Matapos Madawit Ang Kanyang Pangalan Sa Isyung Hiwalayan Nina Bea Alonzo At Dominic Roque

Miyerkules, Pebrero 7, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng pahayag ang Vivamax actress na si Angeli Khang patungkol sa pandadawit sa kanya ni Xian Gaza sa isyu ng hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Nadawit ang pangalan ng Vivamax actress na si Angeli Khang sa isyu ng paghihiwalay kamakailan nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa isang social media post ni Xian Gaza.


Noong martes, February 6, 2024 nagbahagi ng Facebook post kung saan inilahad niya ang dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay dahil nahuli umano ng aktres si Dominic na pinagjajak si Angeli Khang.


Kaagad naman itong sinagot ni Angeli Khang sa pamamagitan ng pagpopost sa kanyang Facebook page kung saan inilahad niya ang kanyang reaksyon sa pangdadamay ni Xian Gaza sa hiwalayan ng engaged couple.


Ayon kay Angeli Khang, nananahimik siya sa kanyang pagbabakasyon sa Japan subalit pagkagising niya ay sinalubong siya ng pag-iisyu sa kanya ni Xian Gaza.


Matatandaan na noong August 2021, inamin ni Dominic Roque ang kanilang relasyon ni Bea Alonzo. Nagpropose naman siya sa akres noong July 2023 na kaagad nitong tinanggap.


Inakala ng maraming mga netizens na sa kasalan na mauuwi ang kanilang relasyon dahil kung titingnan naman ay parehong masaya at makikita ring mahal na mahal nila ang isa't-isa.


Marami pa ang mga humanga kay Dominic Roque dahil sa pag-aalaga niya kay Bea Alonzo at kung paano niya sinusuportahan ang aktres sa lahat ng mga ginagawa nito.


Kaya naman, kaagad na nabahala ang mga netizens nang mapansin na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Dominic Roque.


Lalo pang ikinabahala ng marami nang igiit ni Bea Alonzo sa isang panayam na wala pa talaga silang plano ni Dominic Roque sa kanilang pagpapaksal.


Ilang kolumnista na rin ang nagkumpirmang totoong naghiwalay na ang dalawa subalit hindi pa rin nila nililinaw kung totoong dahilan nito.


Kaya naman, marami ang napapaisip kung ang mga isiniwalat ni Xian Gaza ay may katotohanan nga ba at kung sapat na ba ang kabigatan nito para piliin ni Bea Alonzo na makipaghiwalay kay Dominic Roque at isauli ang singsing na ibinigay nito sa kanya bilang tanda ng pagmamahal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo