Kilalang Aktor Binitawan Na Ng Kanyang Management, Lilipat Na Ng Network

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Isang nakakalungkot na balita ang kumakalat ngayon sa ilang mga social media sites at entertainment news sites ang balitang bibitawan na ng kanyang management team ang isang aktor dahil napabayaan nito ang kanyang showbiz career.


Mas itinuon umano ng aktor na ito ang lahat ng kanyang attention sa kanyang pamilya kaya naman napapabayaan na niya ang kanyang mga obiligasyon sa industriya ng showbiz.


Hindi rin umano nito sinisipot ang kanyang mga guesting ng walang ibinibigay na dahilan. Maging ang sarili nito ay tila napapabayaan na rin niya, nasa 30s pa umano ang edad ng aktor na subalit kung titingnan ay nasa 40s na umano ang hitsura nito.


Ang mas nakakagulat umano ay ang pangungutang nito sa kanyang mga kaibigan at mga naging kasamahan noon sa trabaho. Hindi rin umano alam ng kanyang misis na nangungutang pala ito, nagugulat lamang siya na may mga naniningil na sa kanila.


Kadalasan ay ang asawa na lamang umano nito ang nagbabayad sa mga utang ng aktor dahil nahihiya siya sa mga pinaggagawa nito.


Gayunpaman, hindi naman umano maari na paulit-ulit na lamang itong gawin sa kanila ng aktor kaya naman binitawan na siya ng kanyang management.


Samantala, may kumakalat namang balita na lilipat ng ibang network ang nasabing aktor, kaya naman hinihiling ng mga kasamahan nito noon at ilang mga kaibigan na ayusin na nito ang kanyang buhay.


Hiling din nila na sana ay mahanap at makabalik na sa tamang landas ang aktor alang-alang sa kinabukasan ng kanyang anak at pamilya.


Magaling naman umano ang aktor na ito subalit sadyang wala umano itong disiplina sa sarili at tila hindi nakakuha ng paggabay.



Sa paglipat ng aktor marami ang humihiling na sana ay ayusin na niya ang kanyang buhay dahil napag-iiwanan na siya ngayon ng mga nakasabayan niyang mga aktor at mga aktres noon sa pagpasok sa industriya ng showbiz.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo