Katotohanan Sa Relasyon Ni Ivana Alawi at Bacolod Mayor Albee Benitez

Biyernes, Pebrero 9, 2024

/ by Lovely


 Ilang araw nang laman ng mga usap-usapan online ang mga isyu na ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi ang panibagong apple of the eye ng Bacolod Mayor na si Mayor Albee Benitez.


Ayon sa mga kumalat na balita sa social media, namataan umanong magkasama sa Japan sina Ivana Alawi at Mayor Albee Benitez.


Si Mayor Albee Benitez ay isang 57 year old politician at may asawa na, gayunpaman matagal na umano silang hindi nagsasama ng kanyang asawa at pinag-uusapan na ang kanilang annulment.


Subalit, kasalungat ito ng pahayag ng kanyang misis na si Nikki Lopez Benitez sa nakaraang panayam dahil pinabulaanan nito ang sinasabi ni Mayor na hiwalay na sila.


Iginiit pa ni Mrs. Benitez na patuloy sila nagsasama sa iisang bubong sa loob 31 year na buo ang kanilang pamilya. Ikinagulat din umano ni Nikki ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa kanyang asawa kung saan iniuugnay rito ang isang sexy actress.


Samantala, naging usap-usapan naman ang post ng anak nila na si Victoria City Mayor Javier Miguel Binetez na siyang nobyo rin ni Sue Ramirez kung saan tila sinusuportahan nito ang post ng kanyang ina.


Ayon kay Mayor Javvy Benitez, labis din umano silang nagulat sa paglabas ng isyung ito lalo na at pinag-uusapan ito in public.


Ipinahayag rin niya ang kanyang pagmamahal at pasasalamat sa kanyang ina sa lahat ng mga ginawa nito para sa kanilang pamilya. Alam rin umano niya kung ano ang mga sinakripisyo nito para sa kanilang pamilya.


Marami naman sa mga netizens ang naghinala na totoong may pinagdadaanan ngayon ang kanilang pamilya dahil na rin sa paglalahad ng pagsuporta ni Mayor Javvy Benitez para sa kanyang ina.


Sa ngayon ay nakakatanggap naman ng pambabatikos ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi dahil sa pagpatol nito sa lalaking tila tatay na niya at higit sa lahat may asawa pa.


Marami naman sa mga fans ni Ivana Alawi ang hindi naniniwala sa isyung pumatol si Ivana Alawi sa isang matanda at pumayag na maging other woman. Ayon sa kanila, hindi naman umano si Ivana Alawi ang tinutukoy sa balita kundi ang Vivamax star na si Angeli Khang.


Kung sakali man umano na si Angeli Khang ang babae ngayon ni Mayor Albee Benitez ay tiyak na makakakuha umano ito ng malaking benepisyo dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na bukod sa pagiging mayor ay isa rin itong ,milyonaryo.


Maari rin umano itong magkaroon ng malaking project dahil may sariling entertainment production company si Mayor Albee Benitez.


Samantala, anglabas na ng pahayag si Mayor Albee Benitez kung saan hinihiling niya na sana ay bigyan naman ng respeto ang kanyang privacy. Iginiit din niya na bilang isang film at TV producer ay hindi naman umano maiiwasan ang pakikisalamuha niya sa mga artista.


Sa ngayon ay mas pina-priority umano ang kaayusan ng Bacolod City.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo