Zeinab Harake, Ray Parks Kahit Malayo Sa Isat Isa Sinalubong Pa Rin Ng Magkasama Ang 2024

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Sa kabila ng malayong distansya sa isa't-isa, nagawan pa rin ng paraan nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. na sabay salubungin ang bagong taon.


Nabigong makauwi ng Pilipinas ang karelasyon ngayon ni Zeinab Harake na si Bobby Ray Parks Jr. para makasama sina Zeinab at mga anak nito sa pagsalubong ng panibagong taon.


Tila hindi nagawan ng paraan ni Bobby Ray Parks na maisingit sa kanyang hectic schedule ang pag-uwi sa bansa kaya naman gumawa na lamang sila ng paraan ni Zeinab Harake para magkasabay pa rin nilang salubungin ang taong 2024.


Sa mga social media post nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr. pinakita nila ang kanilang pagvi-videocall para kahit papaano ay tila magkasama pa rin silang dalawa.


Gayunpaman, positibo ang kanilang mga tagahanga magkakaroon muli ng pahinga si Bobby Ray Parks at makakauwi ito sa Pilipinas para muling makasama si Zeinab Harake at mga anak nito na itinuturi na rin niya bilang kanyang mga anak.


Samantala, kamakailan lamang ay muling lumikha ng ingay ang dating karelasyon ni Zeinab Harake na si Skusta Clee kung saan humihingi ito ng another chance kay Zeinab Harake na magsama muli sila para na rin umano sa kanilang anak na si Baby Bia.


Ipinunto pa ni Skusta Clee na kahit nagloko siya noon ay hindi pa rin mawawala ang pagiging ama niya sa kanilang anak kaya naman humihingi siya ng pagkakataon kay Zeinab.


Subalit, tila hindi na ito pagbibigyan pa ni Zeinab Harake dahil masaya na rin naman ito sa piling ng panibagong karelasyon na si Bobby Ray Parks. Nagpasaring pa ito kay Skusta kung saan tila sinasabi niyang muli lamang silang ginagamit ng rapper dahil may ginawa nanaman itong panibagong kanta.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo