Huli! Sikat Na Aktres Itinatago Ang Anak Sa US

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely




 Naging laman ng mga usap-usapan ng ilang mga Pilipino sa bansang Amerika ang isyu ng pagkakaroon ng tinatagong anak ng isang sikat na aktres sa Pilipinas.


Ayon pa sa mga ulat na napakalaki umano ng bahay na binili ng kilala ring aktor na ama ng bata sa kanyang mag-iina abroad. Napili umano nila ang lugar na iyon para pagtaguan ng kanilang anak dahil tahimik, mababa ang crime rates at higit sa lahat malayo sa mga mapanuring mata ng publiko.


Subalit, tila wala talagang lihim na hindi nabubunyag dahil naglabasan na rin ang isyu dahil namataan na silang magkasama roon. Ayon pa sa mga nakakakita na sa tuwong dumadating ang ina ng bata kasama ang pamilya nito ay pasimple naman silang bumabati.


Matatandaan na noon pa man ay nati-chismis na ang pagkakaroon ng anak ng sikat na aktres pero kusa lamang itong natahimik nang hindi naman naituro ang eksaktong lokasyon ng bata.


Sa ngayon ay pinuuntahan naman umano ng ina ng bata ang kanyang anak, ipinapasyal rin umano niya ito at sinasama sa pamimili subalit, hindi naman niya ito basta-basta na ipinapakilala bilang kanyang anak.


Sa kasalukuyan ay naghiwalay na umano ang sikat na aktres at kilalang aktor, dahil may kahilingan umano ang aktres na hindi naibigay ng ama ng kanyang anak. Gayunpaman, maayos pa rin naman umano ang kanilang co-parenting set-up at nagkakasundo naman sila pagdating sa pangangailangan ng kanilang anak.


Hindi rin naman umano pinapabayaan ng aktor ang kanilang anak at sinusuportahan naman niya ito kahit pa naghiwalay na sila ng sikat na aktres.


Ang kanilang anak ay nasa apat-hanggang-limang taong gulang na rin sa ngayon kaya naman humihiling ang source na sa natatamasa nitong blessings at kasikatan ngayon ay maipakilala na rin niya ang kanyang anak sa publiko dahil unti-unti na rin itong nagkakaisip.


 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo