Andrea Brillantes Muling Nagviral Dahil Sa Kanyang Guitar Video

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely

 

Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang  ibinahaging video ni Andrea Brillantes kung saan ipinakita niya ang natanggap niyang regalo.


Makikita naman sa nasabing video ang priceless reaction ni Andrea Brillantes nang tuluyan nang malantad ang gitara na iniregalo sa kanya nitong katatapos lamang na pasko.


Bagama't marami ang natutuwang mga fans ni Andrea Brillantes dahil sa natanggap nitong regalo, marami naman ang nagbigay ng ibang pakahulugan rito at iniuugnay ang natanggap na regalo ng aktres sa kinasangkutan nitong kontrobersya kamakailan lamang nang madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na naging magkarelasyon rin sa loob ng maraming taon.


Matatandaan na marami ang nagsasabi at naghinala na si Andrea Brillantes ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa mga ulat na inilalabas ng ilang mga entertainment news sites.


Bukod pa rito, binalikan rin ng mga netizens ang naging isyu noon ni Andrea Brillantes noong bata pa siya kung saan may kinakalabit umanong hindi tama ang young actress.


Hindi naman napatunayan ang isyung ito kaya naman marami pa rin sa mga netizens ang naku-curious rito.


Sa kabila naman ng lahat ng pambabatikos na ibinabato ngayon kay Andrea Brillantes ay may mga fans pa rin na pinoprotektahan ang aktres. May mga naniniwala na hindi naman magagawa ni Andrea Brillantes ang mga bagay na binabahid ng mga bashers nito.


May isa pang netizens na hayagang sinaway ang mga bashers ni Andrea Brillantes dahil sa mga babae pa naman ito pero kung bastusin umano si Andrea ay parang alam na alam nila ang buong kwento.




@drewiest MERRY CHRISTMAS EVERYBODY #andreabrillantes #blythe #fyp ♬ All I Want for Christmas Is You - Mariah Carey

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo