Sharon Cuneta Dinelete Ang Mga Post with Gabby Concepcion Sa Kanyang Instagram

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Maraming mga netizens ang nakapansin na pinagbubura ng Mega Star na si Sharon Cuneta ang kanyang mga Instagram post, sa ngayon ang makikitang huling post ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ay noon pang August 2023.


Kabilang sa mga binura ni Sharon Cuneta ay ang mga post niya kasama si Gabby Cincepcion sa pagpopromote ng kanilang nagdaang concert noong October 2023.


Maging ang mga kamakailang hugot ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account ay nawala na rin.


Samantala, napapatanong naman ngayon ang ilang mga netizens sa dahilan kung bakit pinagbubura naman ngayon ni Sharon ang kanyang mga social media posts.


Marami naman ang nagsasabi na baka pahiwatig umano ito ng aktres ngayon na magsisimula siya ng panibago ngayong 2024 kung saan iiwasan na niya ang pagbabahagi ng mga cryptic posts sa kanyang social media accounts.


Tila natuto na umano ang Mega Star dda mga pinagdaanan niyang pambabatikos mula sa mga netizens dahil sa mga ibinabahagi niyang cryptic posts sa kanyang social media accounts kung saan nagdulot pa ng confusion sa kanyang mga tagahanga.


Matatandaan na nauna nang ipinaliwanag ni Sharon Cuneta na ang ibang mga cryptic posts niya ay para sa kanyang mga kaibigan na nakakarelate umano nito. Minsan naman ay nagustuhan niya lamang magpost ng kung ano-ano.


Gayunpamn, inamin niya na may pagkakataon talaga na ibinabahagi niya sa social media ang kanyang nararamdaman dahil ayaw naman umano niya na kimkimin na lamang sa loob ang bigat nito.


Hiling naman ni Sharon Cuneta noon na sana naman ay maintindihan siya ng kanyang mga tagahanga at mga tagasuporta.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo