DonBelle, Papalitan Ng KathDon?

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Tila magkakaroon ng malaking pagbabago sa mga loveteam ng ABS-CBN sa pagitan ng mga tambalan ng DonBelle at KathNiel.


Trending ngayon sa social media ang video ng interaction nina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan. Parehong dumalo ang dalawa sa star-studded wedding nina Robi Domingo at Maiqui Pineda.


Ilang beses ding nag-interact ang dalawa na kinakitaan naman ng ilang mga netizens ng chemistry. May nakaramdam pa ng kilig dahil sa paglabit ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo sa after party ng wedding para yayain ito sa isang slow dance.


May mga nakakita pa umano sa pag-offer ni Donny Pangilinan kay Kathryn Bernardo ng soda para kahit papaano ay mahimasmasan naman ang aktres na halatang nakainom na rin umano sa mga oras na iyon.


Dahil sa napansin nilang chemistry ng dalawa, marami ang nagsasabi na sana ay bigyan naman ng ABS-CBN ng proyekt ang dalawa kung saan sila ang magiging magkapareha.


Subalit, kaagad namang umangal ang mga DonBelle Fans iginiit nila na disrespect naman umano kay Belle Mariano na kasalukyang ka loveteam ng aktor sakaling bigla na lamang pagtambalin sina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan.


May mga nagsasabi pa na sana ay ibang aktor na lamang ang itambal kay Kathryn Bernardo.


Samantala, may mga nagsasabi naman na sana ay itigil na ng ABS-CBN ang kanilang loveteam culture at maging open sa mga collabs kagaya sa mga nangyayari sa ibang mga networks sa ibang banda kagaya na lamang sa Korea.



@rach_el92 Donny and Kathryn!!!! 🤭🤭🤭 Something is fishyy, bat alagang alaga ni Donny si Kath and may pag bigay pa ng water!! WOAAHh!! Support! #donnypangilinan #kathrynbernardo #donkath #donny #ggthemovie #kathryn #bellemariano #bellemarianohitsdifferent #donbelle #donbellempire #donbelleendgame #cantbuymeloveonnetflix #donnypangilinanedits #fyp #fypシ゚viral ♬ original sound - Rachel

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo