Pahayag Ni Sarah Lahbati Matapos Nilang Mag-Unfollow Sa Isat-Isa Ni Richard Gutirrez

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang pag-unfollow ni Sarah Lahbati sa kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez at iba pang myembro ng pamilya nito, tila gumanti naman ngayon si Richard Gutierrez sa pamamagitan ng pag-unfollow naman kay Sarah Lahbati.


Kahapon lamang, January 9, 2024, napansin ng mga netizens na hindi na nakafollow si Sarah Lahbati kay Richard Gutierrez, subalit naka-follow pa rin sa kanya ang aktor.


Subalit, makalipas ang ilang mga oras ay napansin na rin ng mga netizens na naka-unfollow na ito kay Sarah Lahbati. Kasunod nito, kapansin-pansin rin na magkasunod na nag-unfollow kay Sarah Lahbati ang mga kapatid ni Richard Gutierrez na naunang pinag-uunfollow ng actress.


Kabilang na sina Annabelle Rama, Raymond Gutierrez at Ruffa Gutierrez.


Samantala, ang ginawang pag-unfollow nila sa social media ay lalo lamang umanong nagpapatibay sa mga haka-hakang matagal nang naghiwalay sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Hindi pa naman naglalabas ng official statement si Sarah Lahbati at Richard Gutierrez patungkol sa hinala ng marami na hiwalay na sila noon pang nagdaang taon at kasalukuyan nang pinoproseso ang kanilang annullment.


Nagbigay naman si Sarah Lahbati ng mensahe sa kanyang mga followers kung saan sinabi niyang binabasa niya ang lahat ng mga mensaheng natatanggap niya at ipinahayag pa niya ang kanyang pagmamahal sa mga ito.


Matatandaan na tila naging last straw ni Sarah Lahbati ang paglabas ng video nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkasama sa isang restobar at very close umano sa isa't-isa.


Bagama't viral na ngayon ang nasabing video ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo