Rambo Nunez, Nagsalita Na Sa Balitang Lilipat Sa Kanila Si Kathryn Bernardo

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforma at ilang mga entertainment websites ang mga kumakalat na larawan ng award-winning Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kasama ang mga artistang napasikat noong ng Star Magic.


Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ni Kathryn Bernardo kasama sina Jericho Rosales, Piolo Pascual , Jhon Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Maja Salvador. Ang mga nabanggit ay ang mga senior ni Kathryn Bernardo, kilala rin ang mga ito bilang mga homegrown talent ng ABS-CBN na pinasikat ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.


Lumalabas naman na ang host ng nasabing pagtitipon ay walang iba kundi si Johnny Manahan na kilala rin bilang si Mr. M ang co-founder at dating president ng Star Magic.


Nagbahagi naman ng isang post sa Instagram si Jhon Lloyd Cruz kung saan pinasalamatan niya si Mr. M para sa matagumpay nilang get together. Ipinahayag din ni Jhon Lloyd Cruz ang kanyang pagkamiss kina Heart Evangelista at Diether Ocampo na hindi nakasama sa kanilang get together.


Maging ang aktres na si Bea Alonzo ay nagbahagi rin ng mga kuhang larawan niya kasama sina Maja Salvador at Kathryn Bernardo.


Marami naman ang natuwa na nakasama si Kathryn Bernardo sa nasabing grupo dahil isa rin naman siya sa mga Mr. M babies o ang mga artistang napasikat ni Mr. M habang ito pa ang naging head ng Star Magic.


Samantala, marami naman ang nakapansin na sa mga kumakalat na mga larawan ay laging nakadiki si Kathryn Bernardo kay Maja Salvador na nagtayo na ng sariling talent agency ang Crown Artist Management Agency.


Kabilang sa mga minamanage nitong talents ay sina Jhon Lloyd at Miles Ocampo na dating mga talents ng Star Magic.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naiulat na may mga bagong talents umano na pipirma ng kontrata sa Crown Artist Management na hindi pa rin pinapangalanan. Naglabasan na rin ang mga balitang ang talent agency na ni Maja Salvador ang magmamanage sa showbiz career ni Kathryn Bernardo.


Gayunpaman, kaagad itong pinabulaanan ng kampo ni Kathryn Bernardo partikular na ng kanyang ina na si Min Bernardo kung saan ipinahayag umano nito sa mga kaibigan ng kanilang pamilya na mananatili sa Star Magic ang kanyang anak.


Kinunan rin ng reaksyon ang mister ni Maja Salvador na si Rambo Nunez patungkol sa isyung pipirma ng kontrata sa kanila ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon kay Rambo Nunez, wala siyang masasabi regarding sa isyung ito dahil hindi umano siya aware kung may nagaganap na bang usapan sa pagitan ng kanyang misis at kay Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo