Kapamilya Aktres Tuloy Ang Pag Alis Sa Abs Cbn Star Magic!

Linggo, Enero 28, 2024

/ by Sparkle

 


Namataan si Kathryn Bernardo kasama ang ilan sa mga malalaking bituin na sumikat sa bakuran ng ABS-CBN tulad niya. Kabilang dito sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Bea Alonzo, at Maja Salvador.


Ang mga nabanggit ay ang mga seniors ni Kathryn at lahat sila ay homegrown talents na pinasikat ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Ang host pala ng pagtitipon ay si Johnny Manahan aka Mr. M na dating Presidente at co-founder ng Star Magic


Nakakapanibago makita si Kathryn sa grupo na bagama't mas junior pa sa mga artistang nabanggit ay Mr M baby din, ang pangalan ng mga artistang sumikat noong si Mr M ang pinuno ng Star Magic.


Makikita si Kathryn sa mga larawan na laging malapit kay Maja na nagtayo ng sariling talent management agency, ang Crown Artist Management, kung saan talent dito sina John Lloyd Cruz, at Miles Ocampo na dati ring Star Magic artist.


Kaugnay nito, lumabas ang ulat noong January 23, 2024 tungkol sa bagong talent na pipirma sa CAM. Napag-usapan na ang management ni Maja ang hahawak sa career ni Kathryn.


Sinabi rin daw ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa malalapit na kaibigan ng kanilang pamilya na mananatili si Kathryn sa Star Magic. Nakunan din ng video si CAM Chief Executive Officer Rambo Nunez, ang asawa ni Maja, bilang reaksyon sa tsismis na pipirma sa kanila si Kathryn.


Rambo said, "Wala naman talaga akong statement kasi I'm not aware of anything regarding that." 


Isa sa mga inaasahang pasabog ng Crown Artist Management ay ang pag-anunsyo ng kanilang mga bagong talento. Malakas ang tsismis na hahawakan nila ang showbiz career ni Kathryn Bernardo pagkatapos mag-expire ang kontrata ng aktres sa Star Magic.


May espekulasyon din noon na baka umalis si Kathryn sa Kapamilya network, pero ang malakas na usapan ay hindi na ito magre-renew ng kontrata sa Star Magic.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo