Reaksyon Ni Carla Abellana Sa Pagbabalik Pilipinas Ng Ex-Husband Niyang Si Tom Rodriguez

Lunes, Enero 29, 2024

/ by Lovely


 Matapos ang mahigit dalawang taong pananatili ng aktor na si Tom Rodriguez sa Amerika, bumalik na muli ito sa Pilipinas.


Ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay masayang ibinahagi ng kanyang talent manager na si Popoy Caritativo sa isang Instagram post nitong January 27, 2024. Kung pagbabasehan naman ang Instagram check in ni Popoy, mahihinuhang nasa Mandaluyong ito noong sabado.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe mula sa mga kaibigan ni Popoy kung saan winil-come nila ang muling pagbabalik ni Tom Rodriguez sa bansa. Isa sa mga naunang bumati kay Tom Rodriguez ay walang iba kundi ang beteranang aktres na si Coney Reyes.


Marami naman ang nakapansin na looking fresh ngayon ang aktor at lalo pang gumwapo tila tuluyan na rin umano itong nakapagmoveon sa naging hiwalayan nila noon ng kanyang asawa na si Carla Abellana.


Marami pa ang nagkumpara sa hitsura nito noong kakabreak pa lamang nila ni Carla Abellana kung saan tila naguguluhan pa ito.


Hindi naman nagbigay ng anumang detalye ang talent manager ni Tom Rodriguez bukod sa pagbati nito sa pagbabalik ng aktor sa bansa.


Samantala, hanggang ngayon ay naka de-activate pa rin ang Instagram account ni Tom Rodriguez na tila ba umiiwas parin ito na makabasa ng kahit anung social media update.


Samantala, ilang oras bago lumabas ang update ni Popoy patungkol sa pagbabalik sa Pilipinas ni Tom Rodriguez, kapansin-pansin naman ang ibinahaging social media post ni Carla Abellana na hango sa isang quote na nagpapahiwatig na piliin ng mabuti ang mga desisyon sa buhay.


Marami naman ang naghinala ang ibinahaging post ni Carla Abellana ay may kaugnayan sa mga pinagdadaanan niya sa buhay lalo na ang nangyari sa relasyon nila ni Tom Rodriguez.


Ayon sa ibinahaging quote ni Carla Abellana, kailangan pumili ng mabuti dahil lahat naman ng bagay ay mahirap. Mahirap ang pagpapakasal, mahirap din ang pagkikipaghiwalay.


Matatandaan na ang nangyaring hiwalayan sa pagitan ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana ay isa sa pinakakontrobersyal na hiwalayan noong 2022 dahil ilang buwan pa lamang silang nagpakasal, pumutok na kaagad ang balitang naghiwalay na sila sa kabila ng seven years nilang pagkakarelasyon.


Taong 2014 nag-umpisa ang relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, noong October 2021 ay ikinasal ang dalawa. Subalit, makalipas ang ilang buwan, pumutok ang mga balitang on-the-rocks na ang kanilang pagsasama at noong June 2022 tuluyan na nilang kinumpirma ang kanilang paghihiwalay.


Kabilang sa mga naglabasang isyu noon ay ang isyung nakabuntis umano ng ibang babae si Tom Rodriguez, may mga kumalat rin na hindi babae ang dahilan ng hiwalayan kundi isang lalaki.


Samantala, sa naging panayam kay Carla Abellana sa Fast Talk With Boy Abunda, isiniwalat ng aktres na marami ang dahilan kung bakit tuluyang naghiwalay sila ni Tom Rodriguez.


Umabot na umano siya sa breaking point at sobra na ang kanyang mga nararamdaman, sobra na umano ang direspect at panloloko sa kanya ni Tom Rodriguez na hindi na nagbago sa paglipas ng mga taon.


Inamin rin ni Carla Abellana na hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito sa pagitan nila ni Tom Rodriguez subalit ibang level na umano ito at extreme na ang nangyari.


Samantala, matapos makumpirma ang hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana, lumipad naman ang aktor patungong Amerika upang makapag-unwind at makapagmove on narin.


Rumaraket rin doon ang aktor kapag na imbitahan siya sa ilang mga events at shows, habang nanatili naman sa bansa si Carla Abellana at pinagpatuloy ang kanyang showbiz career. Mula noon naging bukas na rin ang aktres sa kanyang sel loving journey.

 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo