Paolo Contis Aminado Na Kinain Ang Mga Sinabi Sa TVJ Matapos Matalo Ng Tape Incorporated Sa Kaso

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Ikinagulat umano ng Tahanang Pinakamasaya host na si Paolo Contis ang pag-igsi ng laban sa pagitan ng TVJ at TAPE Incorporated para sa totoong may karapatan sa trademark ng Eat Bulaga.


Nagulat umano si Paolo Contis nang inilabas ng Marikina Trial Court ang desisyon nila kung saan ipinag-uutos na kinailangan na ng TAPE Inc. na magpalit ng pamagat at huwag nang gamitin ang mga may kaugnayan sa Eat Bulaga.


Matatandaan na tila naging spokesperson ng TAPE Inc. noon si Paolo Contis sa kasagsagan ng laban nila ng TVJ sa labanan para sa titulo ng Eat Bulaga. Ayon sa naging pahayag noon ni Paolo Contis na mahaba pa ang laban nila at ng TVJ para sa kung sino ang tunay na may karapatan sa Eat Bulaga.


Samantala, sa isang panayam kay Paolo Contis matapos ilabas ng Marikina Trial Court ang desisyon hinggil sa desisyon patungkol sa copyright ng Eat Bulaga.


Ayon kay Paolo Contis, ikinagulat nilang lahat ang naging desisyon ng korte at naging tensyunado pa sila dahil kinailangan kaagad nilang magpalit ng pangalan. Gayunpaman, kinailangan umano nilang sumunod sa desisyon ng korte sa maikling panahon na ibinigay sa kanila.


Inilahad din umano ni Paolo Contis na layun nila ngayon na maging household name naman ng mga manonood ang kanilang show sa pagpapatuloy nila sa kanilang pagbibigay ng saya, papremyo at tulong sa mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo