Ogie Diaz Hindi Mapigilan Ang Matawa Sa Bagong Title Ng Noontime Show Ng TAPE Inc.

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Hindi napkigilan ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang sarili na makapagbigay ng saloobin patungkol sa noontime show ng TAPE Inc. na nagkaroon ng panibagong pamagat na Tahanang Pinakamasaya.


Hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga netizens ang hindi mapigilang magbigay ng reaksyon sa ipinalit na pamagat ng TAPE Inc. sa kanilang noontime show na dati ay Eat Bulaga.


Nitong sabado, January 6, 2024, sinunod na ng TAPE Inc. ang iniuutos sa kanila ng korte na huwag nang gamitin ang titulo, theme song at logo ng Eat Bulaga dahil kinikilala na nila na ang totoong may karapatan rito ay walang iba kundi sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Ang ipinalit nilang pamagat ay mula sa kanilang jinggle, Tahanang Pinakamasaya. Para sa kanila ay angkop naman umano ito dahil layun nilang makapagbigay ng saya.


Ayon naman sa ilang mga netizens na maganda rin naman ang kanilang napiling panibagong titulo at tatak pinoy din naman ito, pero sana ay matagal na nila umano itong ginawa para hindi na nagkaroon pa ng laban.


May mga nagsasabi naman na sana ay mas pinag-isipan pa ng TAPE Inc. ang kanilang titulo dahil lumalabas na wala umano ito'y kadating-dating sa mga netizens.


May mga umuokray pa rito dahil tila Sunday Pinasaya lamang umano ang dating at tila ginaya lamang nila ito sa ibang show.


Maging ang sikat na talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay hindi riin umano napigil ang sarili na matawa sa ipinalit na pamagat ng TAPE Inc. sa kanilang show.


Ipinahayag pa ni Ogie Diaz na kahit positibo naman ang naging panibagong titulo ng kanilang show ay nakukulangan pa rin siya sa dating nito.


Gayunpaman, maari ding matagal ring pinag-isipan ng TAPE Inc. ang kanilang titulo na gagamitin at pumili naman umano sila ng pamagat na hindi kaagad malilimutan ng publiko.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo