Daniel Padilla, Magkakaroon Ng Bagong Ka-Loveteam Para Sa Upcoming Project, Si Andrea Brillantes?

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Sa kabila ng kabi-kabilang pambabatikos na natatanggap ngayon ng aktor na si Daniel Padilla mula sa mga netizens at mga fans ni Kathryn Bernardo matapos ang kanilang break-up ng aktres ay tila tuloy-tuloy pa rin ang kanyang showbiz career sa Kapamilya network.


Sa ngayon ay nakapila na umano ang mga projects ng aktor na si Daniel Padilla sa Kapamilya network na nakatakdang gagawin niya ngayong taon sa nasabing network.


Samantala, sa kamakailang Instagram post ng aktor makikita ang mga larawan na tila kuha mula sa Japan dahil sa isang larawan kung saan makikita ang Mt. Fuji.


Marami naman ang naghinala na baka naroon ngayon ang aktor sa bansang Japan subalit ayon sa isang kakilala ni Daniel Padilla ay wala pa roon ngayon ang aktor pero pupunta ito roon soon.


Ayon pa sa mga haka-haka na may nakatakda umanong project si Daniel Padilla na kukunan sa bansang Japan. Sa ngayon ay hindi pa inilahad kung isa ba itong movie o series.


Hindi rin naman isiniwalat kung sino ang kanyang makakasama sa nasabing proyekto subalit marami ang naghinala na magkakaroon na umano ng panibagong ka-love team si Daniel Padilla sa nasabing proyekto dahil hiwalay na sila ni Kathryn at susubok naman ng panibagong leading lady si Daniel Padilla.


Samantala, nauna nang inamin ni Karla Estrada na ang bagong hairstyle at look ni Daniel Padilla ngayon ay para sa kanyang upcoming projects na hindi pa isiniwalat sa ngayon.


May mga nagsasabi pa na baka ang ipapareha naman ngayon kay Daniel Padilla ay isang solo actress ng ABS-CBN o di kaya naman ay ang controversial actress na si Andrea Brillantes ay makakasama niya rito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo