Ogie Diaz, Isiniwalat Ang Totoong Ugnayan Ni Barbie Imperial at Richard Gutierrez

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Inilabas ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang impormasyong nakalap niya patungkol sa viral video nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na kuha sa isang bar sa Alabang.


Matatandaan na nitong mga nagdaang araw naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa video nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Bukod pa rito may mga nagsasabi pa na labis na magkadikit ang dalawa at bantay sarado pa ni Richard Gutierrez ang aktres.


Marami kaagad ang naghinala na si Barbie Imperial na ang ipinalit ng aktor na si Richard Gutierrez sa kanyang estranged wife na si Sarah Lahbati. Alam din umano ito ng kanilang mga kaibigan na naroroon dahil tila tinatago ng mga ito ang dalawa at iniiwas sa maraming tao.


Samantala, isiniwalat naman ni Ogie Diaz ang umano'y totoong kwento sa likod ng kumalat na video na mula sa isang pinagkakatiwalaan niyang source. 


Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, isa umano si Barbie Imperial sa mga nagmamay-ari ng bar na iyon, kaya naman natural lamang na naroon ang aktres sa lugar.


Si Richard Gutierrez naman ay kaibigan ng lahat ng mga kasosyo ni Barbie Imperial sa Tipsy Pig. May obligasyon umano si Barbie Imperial na magpunta roon bilang isang may-ari para mag-entertain ng mga bisita.


Inokupa umano nila ang apat na tables, at dahil kaibigan ni Richard ang lahat ay palipat-lipat ang aktor ng table. Kaya naman napaupo umano ito katabbi ni Barbie.


Dito na umano nakunan ng video at picture ang dalawa. Pero ang totoo aniya, ay nagkatabi lamang ang dalawa sa loob ng ilang minuto.


Inilahad pa ni Ogie Diaz na hindi umano totoo ang akusasyon ng mga netizens na magkasamang umalis sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa pagtitipon dahil matapos ang party nila sa bar ay nagpunta pa si Barbie sa ibang party sa Poblacion.


Hindi na umano nito kasama roon si Richard dahil umuwi na ito sakay sa kanyang motor.


Iginiit pa ni Ogie Diaz na kahit na sinong babae ang madikit ngayon sa aktor ay tiyak na magagawan ng isyulalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kagagaling pa lamang nito sa isang hiwalayan.


Ipinagdidiinan naman umano ng kanyang source na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin umano si Richard na hindi na niya palaging nakakasama ang kanyang mga anak kaya naman ay inaaliw na lamang niya ang kanyang sarili sa pagpupunta sa mga bars.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo