Cristy Fermin, Ni-Realtalk Si Daniel Padilla| Hindi Ka Sisikat Kung Hindi Dahil Kay Kathryn!?

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Naglabas ng pahayag ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin patungkol sa mga hanash ng mga fans ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla patungkol sa diumano'y paghihirap ni Kathryn Bernardo na makakuha ng mga projects ngayong naghiwalay na sila ng aktor.


Ayon kay Manay Cristy Fermin na dapat hindi magsalita ng tapos ang mga netizens patungkol dito dahil kung titingnan naman ay mas naging matunog ang pangalan ngayon ng aktres matapos ang pag-amin nito ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Hindi naniniwala at pinabulaaanan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang mga paratang ng ilang mga fans ng Kapamilya actror Daniel Padilla sa Kapamilya A-Lister na si Kathryn Bernardo.


Ayon kasi sa ilang mga fans ng aktor na ang anak umano ni Karla Estrada na si Daniel Padilla ang bumuhat sa showbiz career ng young actress noon sa Kapamilya na si Kathryn Bernardo.


Hindi naman ito matanggap ni Manay Cristy Fermin at pumintig umano ang kanyang tenga sa nakakarating sa kanyang chika na ito. Sa kamakailang episode ng kanyang programa, ipinagdidiinan ni Manay Cristy Fermin na baka baliktad pa umano ang nangyari.


Dahil ang buong katotohanan umano ay si Kathryn Bernardo naman talaga ang bumuhat sa showbiz career ng dating karelasyon na si Daniel Padilla.


Napag-usapan din nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang programa ang nagviral na tagpo sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kasal ni Robi Domingo.


Ayon sa isang source nina Cristy Fermin, dapat ay magkapartner sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa entourage subalit hiniling umano ng aktres na huwag na lang.


Ipinahayag din ni Romel Chika ang nakarating sa kanya na umano'y hindi na napapansin ngayon si Daniel Padilla dahil hindi na siya palaging nakadikit kay Kathryn Bernado.


Iginiit pa rito ni Cristy Fermin na walang katotohan ang mga hanash ng mga fans ni Daniel Padilla na umano'y dapat magpasalamat ni Kathryn at dapat at tumanaw ito ng malaking utang na loob kay Daniel Padilla dahil sa pagpapasikat nito sa kanya sa showbiz.


Ayon kay Cristy Fermin, naging baliktad ang lahat dahil ang totoo ay si Kathryn Bernardo naman talaga ang bumuhat sa relasyon at maging sa loveteam nila  ni Daniel Padilla. Sa katunayan ay hindi naman umano napag-uusapan ang pangalan ni Daniel Padilla kapag hindi nadidikit ang aktor sa pangalan ng aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo