Noontime Show Bumagsak Ang Ratings?! Sino Ang Mas Pinapanuod

Miyerkules, Enero 10, 2024

/ by Lovely


 Pare-parehong nakakaranas ng mababang TV-ratings ang magkakatapat na noontime shows na Eat Bulaga, It's Showtime at Tahanang Pinakamasaya sa pagpasok ng bagong taon at nitong huling bahagi ng 2023.


Normal lamang naman umano ito dahil karamihan sa mga Pilipino ay nasa labas upang gumala kasama ang pamilya dahil sa holiday seasons, may mga nasa labas para mag-shopping ang iba naman ay nanonood ng mga palabas sa sinehan.


Samantala naging mababa naman ang nakuhang rating ng mga magkakatapat na noontime show. Kahit may panibagong laro ang EAT Bulaga ay hindi pa rin ito pumalo sa mga manonood, sa ngayon ay ginagamit na ng TVJ ang titulong Eat Bulaga matapos ang inilabas na desisyon ng Marikina Trial Court.


Marami naman ang nakapansin na naging mababa na ang nakukuhang TV rating ng noontime ng TAPE Inc. na ngayon ay may panibagong pamagat na Tahanang Pinakamasaya.


Sa ngayon ay ang kanilang show ang may pinakamababang TV rating sa tatlong magkakatapat na noontime show sa telebisyon, habang patuloy pa ring nangunguna ang show ng TVJ sa TV5.


Samantala, marami naman sa mga fans ng TVJ ang natutuwa ngayon na nasa kanila na ang pamagat ng show na kanilang pinaghirapan sa loob ng ilang taon. 


Sa patuloy na paglalaban ng mga noontime show para makakuha ng mataaas na ratings, marami ang nag-aabang sa iba't-ibang mga pakulo nila upang ang kanilang show ang tangkilikin ng mga manonood.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo