Daniel Napa-REACT sa Viral Photo nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales

Miyerkules, Enero 31, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang kumakalat na larawan nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo na kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.


Subalit, ang reaksyon na pinakahinihintay ng marami ay ang nagmula sa ex-boyfriend ng aktres na walang iba kundi si Daniel Padilla.


Ayon sa mga usap-usapan, nagbigay ng pahayag ang isang taong malapit kay Daniel Padilla patungkol sa naging reaksyon ng aktor ng mabalitaan kung sino-sino ang mga nakakasama ngayon ng aktres.


Ibinuking nito kung ano ang sinabi ni Daniel Padilla nang makarating sa kanya ang balitang kasa-kasama ngayon ng aktres si Jericho Rosales.


Ipinahayag umano ni Daniel Padilla na wala na siyang magagawa at wala na rin umano siya sa lugar upang pagsabihan o pigilan si Kathryn Bernardo kung ano ang gusto nito at kung sino ang gusto nitong makasama.


Tanging hiling na lamang umano ng aktor para sa kanyang ex-girlfriend na mag-ingat ito palagi lalo pa at nababalitaan umano niyang mga kalalakihan ang kadalasan na kasama nito ngayon.


Marami naman ang nagsasabi na talagang may pakialam pa rin si Daniel Padilla sa kanyang dating girlfriend at binabantayan pa rin niya ang mga galaw ng aktres kahit pa nagtapos na ang kanilang relasyon.


Sa pagrereact ni Daniel Padilla, sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Kathryn Bernardo masasabing hindi pa rin ito tuluyang nakakalimot sa aktres, gayunpaman marami ang nagsasabi na tinatanggap na rin niya ang pag-iwas ni Kathryn Bernardo.


Matatandaan na inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay noon November 30, 2023 mula noon ay tila naging bukas na rin sa publiko ang panunuyo ni Daniel Padilla kay Kathryn.


Bagama't nito lamang nila inamin ang kanilang paghihiwalay marami ang naghinalang matagal nang nangyari ang actual break-up ng dalawa. Napapansin naman na sinusuyo pa rin ni Daniel Padilla sa ilang pagkakataon na nagkasama sila subalit, si Kathryn Bernardo na rin ang umiiwas rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo